Summer na!

Posted on March 20, 2007

Wow, Marso nanaman. Nararamdaman ko nanaman ang init. In short, nag-iinit ako. Yeah Babeh!

Masaya tuwing summer. Ligo sa beach, may panahon ka para makapaghilod at magpaitim hanggang sa masunog na ang batok mo at pwede ng taniman ng kung ano anong halaman. Isa pa, masaya kasi walang pasok. Saya magrelax. Masaya!

Pero kinaiinisan ko tuwing bakasyon ay ang biyahe lalo na kung magcocommute ka lang. Pauwi ng probinsya ay inaabot ng limang oras, Manila to Zambales. Medyo nakakainit ng puwitan. Hindi narin ako sanay sumakay ng bus. Pero ewan ko ngayon. Wala kaming sasakyan ngayon at sobrang babait ng mga kamag-anak namin kasi wala ata silang balak pasabayin kami sa kanilang mga sasakyan. Kapal muks kasi doon naman sila makikituloy sa bahay kubo namin.

Siguro panahon na para magtingin ng sasakyan. Kahit 2nd hand lang o pwede rin yong brand new basta kaya ng bulsa. Pwede siguro magtanong sa mga Rolls Royce dealers noh? Afford naman namin yon kapag nangurakot kami tulad ng mga ehem ehem. haha. Pero seryoso. Ano ba ang magandang sasakyan ngayon? Saan ba ang magandang puntahan ngayon summer? Hmm.

Ang ganda talaga ng post ko. Nakakaloko! haha

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

3 Comments so far
  1. eric March 21, 2007 6:21 AM

    uy! san ka mag susunog nga balat? ako di ko pa rin sigurado kung saan.. kung ma susunog nga ba talaga balat ko ngayong summer. dami kasi trabaho eh..

    nasaan na pala blowout ko?

  2. elaine March 21, 2007 9:55 AM

    ssma ka ba dun sa outing/bday celeb ni charm???ahahah..sa zambales nlang..jowk..

    8)alam mo tama ka..msakit sa pwet ang nakaupo 4 5hours..grabe..ehehe

  3. chii March 23, 2007 8:56 AM

    bakit ganon? sa inyo makikituloy pero ayaw magpasabay. how selfish LOL joke.

    eh kayo naman? patutuluyin nyo pa eh nde na nga kayo isasabay. napakabait nyo nmn. onting kamalditahan naman. HAHAHA.

    yaman mo naman. bibili agad kotse. naks.