Posted on April 25, 2007
Filed Under Daily Rants | 7 Comments
Pendong! Panot! Yan madalas ang sinasabi kapag may nakikita kaming minalas malas ng konte pag dating sa buhok… Swerte pa nga yong mga panot at may katiting pa silang buhok… Yong iba na man ay aakalain mong may salamin sa noo sa kintab, pwedeng pwede ka ng magpapogi! Oki ah!
Sabi ng iba nakukuha daw ang pagkapanot sa madalas na pagsuot ng sumbrero. Ewan ko kung may sayentipiko ng pagaaral tungkol dito pero malay ko. Ang iba naman ay namamana daw ito. Pero ano pa man yan, eh panot parin sila at kelangan nila ng hair transplants para naman magmukhang tao sila.. hehe joke lang. Pasintabi po sa mga kalbo at panot na kumakain!
Yong katropa namin dito eh medyo panot na nga, talagang kumokorte na sa ulo niya yong parteng walang buhok, ala de mesa style ba. Ay bay! Madalas nga siyang nagsusumbrero. Pati yong insan ko ganun rin ang nangyari. Ako naman, medyo mataas lang ang hairline ko pero siguro darating din yong time na mapapanot ako. Pero wala naman sa lahi namin kasi gang ngayon mabuhok parin ang lolo at tatay ko. Itim na itim pa nga e. Natural yon!
Ay syempre! Ay siya. Tama na. Sa susunod eh ipopost ko yong picture ko nong nagpakalbo ako… Seryoso yon! CAT namin noon at kasama ako sa model platoon kaya kinailangan magpakalbo, semi lang naman pero pangit talaga! labas tenga ko subra man bay!
Ay sya! tama na!
update:
Nananiginip ako nong isang araw, napapanot ung ulo ko… tsk tsk sign?
Posted on April 25, 2007
Filed Under Daily Rants | Leave a Comment
ayan! Noong linggot nagpunta kami ng Cavite kasi inimbita kami dun para kumain… Mga alas-dos na ng hapon kami nakarating dun kaya kumakalam na ang aming sikmura!.. Mga ilang minuto pa lang eh nakahain na ang mga masasarap na pagkain, nandyan ang pansit, ang inihaw na isdang nakalimutan ko ang tawag tapos nilagyan ng pineapple at toyo, ang walang kamatayang porkchop, ang hinilabos na hipon, at iba pa… Lamon ang nangyari, hangsarap ng luto nila. Kaya ako nakailang balik at talagang nanakit ang tiyan ko… Dessert naman ang pagtapos, nakaharap ang halaya ube at ang leche flan. Ang erpat kong diabetic eh tuwang tuwa sa mga dessert! Aba’y akalain mong parang pulubi dahil mukhang patay gutom… Ilang oras matapos ng tanghalian ay tumambad ang mainit init na ginataan. Ayan! Ang sarap talaga. Nakakatae nga lang. Kung nandoon ka, aakalain mong kumakain ka sa San Diego restaurants at hindi sa cavite lang.. ay subra man dong gasarap talaga ng mga putahe!
Matapos ang kainan direcho kami sa dasmarinas para dalawin yong pinapagawa naming bahay… Maliit lang yong pero ayos narin… Walang pagkain pero ginutom kami sa sobrang pagod…
Next stop ang duty free… Bili bili ng kung ano ano, habang tinatawanan ang mga salesman sa pag-aalok ng chocolate. Tangnang mga push cart ng duty free, bulok!
Syemprea dahil sa pagod na kami, direcho kami sa kainan.. Hindi kami magkasundo kung saan kakain kaya hulaan mo na lang kung saan kami napadpad..!! Ayan! sa isang fast food lang sa may malapit sa airport! Leche!
Posted on April 24, 2007
Filed Under Daily Rants | 1 Comment
Noong isang linggo bago kami magpunta sa simbahan eh naging topic namin ang shades o sunglasses nong isa naming katoto dito sa kanto ng 19th. Sabi niya matangos daw ilong niya kasi hindi nalalaglag yong shades, kapag ako ang nagsuot, nadudulas. Dalawa lang ang naisip ko noon, oily ako o kaya naman masyadong maliit o pangot pero di sarat ang ilong ko.
Nasa simbahan na kami topic parin namin ang ilong ng mga tao. May nakita kaming ibang lahi, kano yata yon, grabe sa tangos ang ilong. Kahit na saang anggulo eh kita parin ang kanyang nose. Nakakainggit pero siguro nainggit siya sa amin kasi hindi niya maintindihan ang sermon ng pastor. Purong tagalog kasi, tango lang siya ng tango kunyari naiintindihan niya. bwahaha.
Ilong narin ang pinag-uusapan, May teacher ako dati sa saudi na sobrang tangos ang ilong. kapag nakaupo ka at nakatayo siya sa harapan mo at bigla kang tumingala ay makikita mo na ang kanyang brain sa sobrang lawak ng butas ng kanyang ilong. Pero minsan hindi mo rin makikita dahil sa kulangot!
Minsan naiinggit ako at naiisipang mag Philadelphia rhinoplasty pero hanggang doon na lang yon. Baka magaya pa ako kina madam auring pero siguro hindi naman at mga professional naman siguro ang mga surgeon dun sa philadelphia kumpara mo dito sa manila dba? hay na lang…
Kailan kaya ako makakabili ng shades na kakapit sa ilong ko?
Posted on April 23, 2007
Filed Under Daily Rants | Leave a Comment
Alam nyo ba mga bata? Naitanong nyo na ba sa inyong sarili kung sino si george? Sino ba talaga si George?haha
Kahit ako hindi ko rin alam kung sino si george. Kasi wala siyang apelyido. Meron akong kilalang George ang pangalan na nakatira sa may amin sa Zambales, Anak araw siya. well, hindi ko na siya nakikita since birth haha. adik! Si George Bush naman ang aking ninong. Wala ng kokontra. Si George Washington ang aking tiyo. Wala din kokontra. Eh si George Lindemann Jr. kilala mo ba?
Si George Lindemann Jr. ay isang manunulat, tagalitrato, taga program ng lampara at mahal niya ang friendster myspace at blogs. o dba bongga? isinalin ko lang sa wikang tagalog ang kanyang nasa about me, eto un:
Hmm, about me, well I’m not the billionaire’s son George Lindemann Jr… so no need to ask me to borrow money :-). Besides that I’m a writer, a photographer (hobbyist), a LAMP programmer, and I love to use social networking websites and blogs.
kung may mali sa pag-kakasalin, maari nyo akong kontakin sa mga numerong naka-flash sa inyong screen o d kaya’y idial ang 911 for more information. Salamat!
Posted on April 23, 2007
Filed Under i Support!, showbiz eto! | 2 Comments
Haha, noong isang gabi napasalyup ako sa telebisyon habang may nanonood saamin, nakita ko sa patalastas yong bagong sineserye sa kapamilya. Medyo nawirduhan ako dahil medyo hindi talaga kapani-paniwala yong itsura ni heart sa sineseryeng ito. Biruin mo, taong unggoy ang tawag sa kanila. Ay ewan! Siguro wala ng mas papangit pa sa pangit nilang mukha. Siguro kailangan na nya ipaayos ang kanyang mukha at syempre ang kanyang ilong, mas maganda kung magpa-rhinoplasty in Chicago siya. O dba? Sosyal sa Chicago pa. haha.
Hindi ko alam kung papatok ba itong sineseryeng ito. Hiram na mukha pala ang pamagat. Hiram talaga dahil sobrang operada yata ang labas nitong si heart na gaganap bilang si Carissa. O dba sobrang research ako!
Pero syempre wala paring tatalo sa ilong ni John Osmena. Hay magsama-sama kayo!
Hi! My name is Jong Abad. I was born on the 31st of December 1986 in Paranaque, Philippines.
Graduating Student of Mapua Institute of Technology taking up BS in Computer Science with the Specialization in Multimedia.
A month from now I'll be one of those unemployed citizen, Hopefully not!
More...