Tuesday
Daily RantsalalalaLong ilong long long
Noong isang linggo bago kami magpunta sa simbahan eh naging topic namin ang shades o sunglasses nong isa naming katoto dito sa kanto ng 19th. Sabi niya matangos daw ilong niya kasi hindi nalalaglag yong shades, kapag ako ang nagsuot, nadudulas. Dalawa lang ang naisip ko noon, oily ako o kaya naman masyadong maliit o pangot pero di sarat ang ilong ko.
Nasa simbahan na kami topic parin namin ang ilong ng mga tao. May nakita kaming ibang lahi, kano yata yon, grabe sa tangos ang ilong. Kahit na saang anggulo eh kita parin ang kanyang nose. Nakakainggit pero siguro nainggit siya sa amin kasi hindi niya maintindihan ang sermon ng pastor. Purong tagalog kasi, tango lang siya ng tango kunyari naiintindihan niya. bwahaha.
Ilong narin ang pinag-uusapan, May teacher ako dati sa saudi na sobrang tangos ang ilong. kapag nakaupo ka at nakatayo siya sa harapan mo at bigla kang tumingala ay makikita mo na ang kanyang brain sa sobrang lawak ng butas ng kanyang ilong. Pero minsan hindi mo rin makikita dahil sa kulangot!
Minsan naiinggit ako at naiisipang mag Philadelphia rhinoplasty pero hanggang doon na lang yon. Baka magaya pa ako kina madam auring pero siguro hindi naman at mga professional naman siguro ang mga surgeon dun sa philadelphia kumpara mo dito sa manila dba? hay na lang…
Kailan kaya ako makakabili ng shades na kakapit sa ilong ko?
Apr 30, 2007
Reply
c mam hannah ba yung teacher na matangos ang ilong na kita ang utak kapag tumingala?! hahahhaa!!! chong.. kweba yung papasukan mo kapag nakita mo yung butas.. hahaha!