Kainan na!

Posted on April 25, 2007

ayan! Noong linggot nagpunta kami ng Cavite kasi inimbita kami dun para kumain… Mga alas-dos na ng hapon kami nakarating dun kaya kumakalam na ang aming sikmura!.. Mga ilang minuto pa lang eh nakahain na ang mga masasarap na pagkain, nandyan ang pansit, ang inihaw na isdang nakalimutan ko ang tawag tapos nilagyan ng pineapple at toyo, ang walang kamatayang porkchop, ang hinilabos na hipon, at iba pa… Lamon ang nangyari, hangsarap ng luto nila. Kaya ako nakailang balik at talagang nanakit ang tiyan ko… Dessert naman ang pagtapos, nakaharap ang halaya ube at ang leche flan. Ang erpat kong diabetic eh tuwang tuwa sa mga dessert! Aba’y akalain mong parang pulubi dahil mukhang patay gutom… Ilang oras matapos ng tanghalian ay tumambad ang mainit init na ginataan. Ayan! Ang sarap talaga. Nakakatae nga lang. Kung nandoon ka, aakalain mong kumakain ka sa San Diego restaurants at hindi sa cavite lang.. ay subra man dong gasarap talaga ng mga putahe!

Matapos ang kainan direcho kami sa dasmarinas para dalawin yong pinapagawa naming bahay… Maliit lang yong pero ayos narin… Walang pagkain pero ginutom kami sa sobrang pagod…

Next stop ang duty free… Bili bili ng kung ano ano, habang tinatawanan ang mga salesman sa pag-aalok ng chocolate. Tangnang mga push cart ng duty free, bulok!

Syemprea dahil sa pagod na kami, direcho kami sa kainan.. Hindi kami magkasundo kung saan kakain kaya hulaan mo na lang kung saan kami napadpad..!! Ayan! sa isang fast food lang sa may malapit sa airport! Leche!

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments