Panot!
Posted on April 25, 2007
Pendong! Panot! Yan madalas ang sinasabi kapag may nakikita kaming minalas malas ng konte pag dating sa buhok… Swerte pa nga yong mga panot at may katiting pa silang buhok… Yong iba na man ay aakalain mong may salamin sa noo sa kintab, pwedeng pwede ka ng magpapogi! Oki ah!
Sabi ng iba nakukuha daw ang pagkapanot sa madalas na pagsuot ng sumbrero. Ewan ko kung may sayentipiko ng pagaaral tungkol dito pero malay ko. Ang iba naman ay namamana daw ito. Pero ano pa man yan, eh panot parin sila at kelangan nila ng hair transplants para naman magmukhang tao sila.. hehe joke lang. Pasintabi po sa mga kalbo at panot na kumakain!
Yong katropa namin dito eh medyo panot na nga, talagang kumokorte na sa ulo niya yong parteng walang buhok, ala de mesa style ba. Ay bay! Madalas nga siyang nagsusumbrero. Pati yong insan ko ganun rin ang nangyari. Ako naman, medyo mataas lang ang hairline ko pero siguro darating din yong time na mapapanot ako. Pero wala naman sa lahi namin kasi gang ngayon mabuhok parin ang lolo at tatay ko. Itim na itim pa nga e. Natural yon!
Ay syempre! Ay siya. Tama na. Sa susunod eh ipopost ko yong picture ko nong nagpakalbo ako… Seryoso yon! CAT namin noon at kasama ako sa model platoon kaya kinailangan magpakalbo, semi lang naman pero pangit talaga! labas tenga ko subra man bay!
Ay sya! tama na!
update:
Nananiginip ako nong isang araw, napapanot ung ulo ko… tsk tsk sign?
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
pendong peace un diba? haha.. hala yoko na magsumbrero! wahaha
Hala… bigla ako na-trauma sa pagsusuot ng sumbrero D:
May mga teacher ako dito na kalbo na talaga, si-ni-shave nila ung ulo nila tsaka pinakikintab… hahaha. XD
Hindi ako nag-a-alala sa buhok ko kung mapapanot man ako or hindi. Basta ang alam ko hindi ako panutin.
Sa dami ba naman ng buhok ko sa katawan, mawawalan pa ba ako sa ulo?? Duh? Hahaha…
ako..wala lang..nabasa ko lang..
“Sabi ng iba nakukuha daw ang pagkapanot sa madalas na pagsuot ng sumbrero.”
22o yan kasi ung hair kapag naiipit sa sumbrero, natitigil ang pagtubo, and tendency, kapag nabunot (sinasadya o hindi) ang hair na yun na naipit, hindi na tutubo ulit.
yun ang sabi ng friend ko na hair stylist. la lang. just sharing. =)
grrrr im also startnig have hav lots of falling hair. natatakot ako actually.
gina gamit ko lng bucket hat ko kung byahe or out of town. or photoshoot. other than that. kitang kita ang napapanot na ulo.
hoy! mag update ka na!
hey musta? ngayon lang ulit ako naka-visit dito a.