What’s up with me?
Posted on June 16, 2007
Ako’y nagbabalik sa mundo ng showbiz este blogging pala. Malamang sa malamang eh iniisip nyo kung anong nangyari sakin. Sa totoo lang, eh nagkaron ako ng matinding sakit. Sakit na hindi nakakahawa pero mahirap pagalingin.
Ito ang tinatawag na sakit na katamaran. Yong tipong paggising mo sa umaga wala ka ng ibang alam gawin kundi ang maghanap ng pagkain o kaya’y manood. Tapos pahinga sa hapon, tapos kain nanaman tapos tulog ng mga 12 oras. Ang sarap ng buhay mo! Buhay mayaman, yon nga lang, hindi ka talaga mayaman kasi wala kang ginagawa wala kang pera. Bummer!
Siguro nasa punto ako ng buhay ko na nageenjoy ako masyado sa mga bagay bagay na hindi ko naenjoy dati. Tambay sa gabi, kwentuhan, gitara, kung ano ano pa. Noon kasi, every weekends lang ako lumalabas para magkape kasama ang mga kaibigan ko, pampatanggal stress ba. So what!
Ayun nga! Pero sa umaga, busybusyhan ako. Apply dito, exam doon, interview dito. Kapagod, pero wala paring magandang resulta. Pa-ASA nga kuno. Ano pa ba? Basta basta, magkakatrabaho rin ako! Pramis! haha
So anong meron sa kin ngayon?
Wala naman, mamayang gabi pupunta ako ng moa para sa birthday celebration ng tatlo kong katropa. Isang celebration na lang, makakatipid sila! swerte ng mga gung-gong! Hindi ko alam kung anong trip mamaya pero malamang sa malamang eh magiging masaya eto kaya kelangan kong magdala ng camera para makunan ang masasayang moments. Naks!
Kung gusto mo pala makita ang mga pictures eh may multiply account ako, bisitahin mo na lang Okeh?
So pano, gang dito na lang. Medyo tuyo na ang utak ko.. hehe kailangang mahasa muli!
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
Aba, at ikaw ay nagbalik!!111
Cge lang. Enjoy ka lang! Hehe..
Basta wag kalimutan ang priority, oks yun!