Ako Ba ‘To Part 1: Mapormang Mahangin…
Posted on June 24, 2007
Lalake ka ba?
Kung oo, please proceed. Kung hindi, depende na sayo.
Meron akong nakitang lalakeng mapormang mahangin pero pangit naman. Hindi ko alam kung pano ang nangyari pero ang ganda talaga ng syota nya. Isa lang ang naisip ko, ginayuma ‘to pare!
Mga lalakeng maporma, maangas ang dating pero pangit naman pero malakas ang loob, malakas din ang kapal sa mukha, madiskarte. Napaisip tuloy ako, bakit kung sino pa yong mga pangit, pangit naman tignan, yong mga hindi gaanong biniyayaan nung nagsabog ng kagwapuhan si Lord, eh sila pa yong malalakas ang loob at makapal ang mukha. Siguro kaya ganun sila kasi, di ka na gifted tapos maarte ka pa, hindi mo pa kakapalan ang mukha mo. E ano nang nangyari sayo.
Madiskarte daw yang mga yan, hindi ko rin alam kung san nila pinupulot ito. Pero kakaiba talaga.
Mahangin. Wow pare malamig! Parang alaska. Yan tamang tama sa kanila. Pangit na nga ang lakas pa ng loob magyabang. O dba! Feeling gwapong gwapo talaga.
Pero eto naisip ko, bakit sila may chick ako wala? hahaha
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
Hay naku. Ganyan talaga ang buhay. Minsan ang asshole pa at pangit ang nakakabimngwit ng babae.
Bakit sila may chick ako wala?
Good point. Yung iba panget na bobo pa.. Nakakapagtaka lalo pag ang gaganda ng chicks nila.
Tatahimik na ako.
Hmm…Ipagpalagay na lang natin na daig ng madiskarte ang matalino. hekhek
lahat kaya ng magagandang babae panget ang syota.
or sabhn nalang natin na… un mga panget, gaganda ng gf.
ewan ko sa inyo, bsta ako maganda ako. nyahah. =))