Kumpuni

Posted on July 22, 2007
Filed Under kwentong tambay | 2 Comments

Alas 2 ng hapon ng tinawag ni longbalong at panot si buto.

“Tol, may virus ata PC ni longbalong!” Natatawang banat ni Panot.

“Bakit naman? Baka puro porno pinapasukan mong site ha?” Birit ni Buto.

Tinamaan ng Brontoc-ae virus ang computer ni Longbalong. Medyo badtrip dahil yon lang ang pinagkaka-abalahan ng binata.

Naisipang ireformat na lang ang PC para mas maayos narin. Para feeling fresh ang PC ni longbalong.

Alas 2 uli ng hapon ng tawagin ni Longbalong at Panot si Buto.

“San ang lakad?” tanong ni Buto.

“Dyan lang, bibili ng CD.” sabay na sagot ng dalawa. “Sama ka, wag ka na magbihis.”Sabi ni Panot.

Di narin sumama si Buto dahil mamumula pa ang mata nito at amoy panis na laway pa ang hininga dahil kakagising lang.

Alas 8 ng gabi ng magkita kita ang tatlo. Operation Kumpuni ng computer ang trip. Dala dala ni buto ang USB na may installer ng Gunbound at anti virus kasama narin ang Shippuden 20.

Bukas PC. Install ng XP. Aba bagong bago ang CD na nabili nila Longbalong at Panot. Windows XP Vista UWI edition. Sarap pakinggan.

Makaraan ang ilang minuto, natapos rin ang mahaba habang pag-install. Toot! Error!

Ok. Error parin.

Topak ang CD may Vista UWI edition pang nalalaman. Di na napansin ang oras sa paghanap ng paraan para malutas ang kinakaharap na problema. Install uli baka nagkamali lang.

Boom! Error parin.

Yosi muna ang tatlo at bumili ng pagkain. Buy one take one pare!

Habang pabalik ng bahay ni Longbalong, nadaanan ang grupong nag-iinuman. Nakita ang tatlo, napagtripan, pero joke lang yon. Kakilala nila ang nag-iinuman pero priority nila ang pag-ayos ng sirang computer ni longbalong kaya nagtiyaga na lang sa C2 at biniling burger.

Kinuha ang isa pang CD na hiniram ng wilab na kapitbahay. Sinubukang i-install, pero nagkaproblema parin. Linshak na CD yan, puro gasgas, ayun di mabasa ng CDrom ng maiigi. Sinamahan ng pagdadasal at konteng tawanan ang problema.

Makalipas ang ilang minuto. Umandar din ang CD. Boom! May problema uli. Ayaw macopy ng ibang files. Tanggal CD, linis konte, Ayos na! Magaling magaling!

Alas 2 ng hating gabi ng matapos ang pag-aayos. Natagalan sa paghanap ng drivers dahil hindi alam kung tama ba ang binigay kay longbalong ng binili ang computer.

Matapos ang pagkukumpuni. Di maiwasan magbalik tanaw ang magkakaibigan habang nakatambay at nagyoyosi. Namiss ng bawat isa nong mga panahong nagpapakabusy sila sa pagtapos ng projects, school paper, etc… Parang thesis na pinagpuyatan. Parang assignment na pilit inaayos. Umiwas sa inom dahil may priority na mas mataas. Umiwas sa pagtambay dahil may gagawin.

Di maisip ng tatlo na makakagawa sila ng mabuti nung araw na yon. Masayang nagsiuwian ang tatlo. Habang nag-iisip ng magandang rason kung bakit ginabi ng uwi. Mabuti na lang at di amoy alak ang tatlo. Pinaplano palang ang grand celebration ng bago at fresh na fresh na PC ni longbalong.

Trankaso

Posted on July 15, 2007
Filed Under kwentong tambay | Leave a Comment

Biyernes ng hapon ng makaramdam ng pangangati ng lalamunan si buto. Sa katigasan ng ulo at mga sulsol ng mga gagong katropa, tuloy parin sa paghithit ng yosi. Sige hithit parin. Hithit pa! Ubo Ubo! Pesteng ubo yan. Umuwi na lang si buto sa kanilang bahay para magpahinga.

Kinagabihan, nagising si Buto na parang may nakapatong sa kanya (bawal green minded). Parang hinihila ang kanyang katawan pabalik sa kamang hinihigaan. Ramdam niya ang sakit ng ulo at parang sumisikip ang dibdib dala ng plemang hindi malaman kung san nagmula.

Pinilit paring bumangon ni buto dahil napansin niya ang gutom na gutom na anaconda sa kanyang tiyan. Kasama si Babs, Panot, at Longbalong, sabay sabay na kumain doon sa may tapsihan. Si Panot ay hindi na kumain dahil katatapos pa lang niya. Si Longbalong, ay wala daw makain sa bahay. At ang magkapatid na si Buto at Babs ay walang makain sa bahay. Si buto ay pilit na hinihigop ang napakainit na soup sa kinainang tapsihan. Pilit tinatanggal ang kati na nararamdaman. Pagtapos, uwian na! Malakas ang hangin at ulan ang sumira sa tambay ng mga magkakatropa.

Kinabukasan, pumunta si Longbalong sa bahay nila Buto. “Psst! Psst!”, Tawag ni Longbalong sa harapan nila Buto. “Psst! Psst!” Wala paring lumalabas. “Psst! Psst!”, walang sawang tawag ni Longbalong. Sawakas, Lumabas din ang utol ni Buto. “Si buto?” sabi ni Longbalong. “Masama daw ang pakiramdam”, sabi ni Babs. “Ah okeh”, Sabi ni Longbalong. Sabay alis.

Alas 2 na ng hapon ng magising si Buto. Masama parin ang pakiramdam, Hinahabol ang mga hangin. Nag-uunahan bumagsak ang mga sipon sa kanyang ilong. Bumangon at sumilip sa bintana. Sakto! Nandoon si Longbalong. Nakatambay mag-isa sa tindahan ni Macky. Sumilip si Buto sa bintana sa kusina at sumenyas “Psst Psst!, waits lang ha?”. “Okeh” sabi ni longbalong.

Makalipas ang sampung minuto, di parin lumalabas si buto habang naghihintay at nababasa na sa ulan si longbalong. SI buto, naglilinis parin ng mukha, nagtatanggal ng sipon sipon at muta. nagbihis, nagsipilyo, Lahat na.

Tumatakbo palabas ng gate si Buto, Di inaalintana ang ulan at ang trankasong nararamdaman. “Yosi ka?” tanong ni longbalong. “Umm gago ka e!” pabirong sabi ni Buto. Laughtrip nanaman. Nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa internet at sa kaepalan ng mydestiny. Nagbabalak na kasing magpakabit ng Cable internet nitong si Longbalong para makaiwas sa pagtambay tuwing hapon.

Nagpaalam sa isa’t-isa ang magkatropang wala namang ginawa kundi ang sumilong sa maliit na bubong na tindahan nila Macky. Laughtrip lang kahit umuulan. Laughtrip kahit may sakit. Laughtrip kahit may problema.

Kinagabihan, nag-ambagan na ang mga magkakatropa at bumili ng isang kaha ng Red Horse Mucho. Pumwesto na! Alak na lang at babae ang kulang. Nakapaikot sa mesa ang magkakatropa. Si Jumong, ang tanggero nung gabing yon, si longbalong, ang major sponsor, si tanggero, ang pilit na magyaya uminom, si Panot, ang sumagot sa kwentuhan, si Mikul, extra lang, si Buto, sponsor rin, at si Babs, Nauntog sa Aircon.

Sige! Ubo parin, patuloy ang pagtahol ni Buto. Malaman laman na parang bagong taon ang tunog ng kanyang ubo. Ubo parin! Sabay kampay at hithit sa yosi…

Naubos ang alak, nanganak ang alak, naubos uli, uwian na…

Kinabukasan, nagtxt si ilong sa magkapatid na si buto at babs. “Tsong, need back up. ASAP! inuman na”, natatawang nabasa ng magkapatid ang text… Laughtrip kasi alas onse pa lang ng tanghali noon… Hindi alam kung pupunta dahil sa nangyari nung gabi, hilo pa at di pa umaalis ang pesteng alak sa katawan. Nagtxt uli si ilong… “Isama mo si jumong, tanggero, panot, at longbalong.”

Alas 2 ng hapon ng mapagdesisyunan ng magkakaibigan na pumunta kina ilong. Tutal isang kahon lang daw ang nandoon…

Bumuluga ang Isang libong piso ng dumating sa bahay ni ilong ang magkakaibigan, “Bili kayo ng 1 case ng beer at 2 kilo ng baboy, ihaw natin” pabor ng tito ni ilong. Mabilis na sumunod ang ibang katropa at ang iba ay naiwan para makipagkwentuhan. Naghahanap ng makakasama at makakainuman ang Tito ni Ilong na kababa lang ng barko.

Pagdating ng mga nautusan, pinabili pa sila uli ng dalawang case ng alak, mga yelo, at kung ano ano pa… Hanep, isang milagro! Bumabaha ng alak, tuwang tuwa ang magkakaibigan. Libre pa! May videoke pa.

Pumatak ang alas 6 ng hapon, unti unti ng nagkakasiyahan ang mga nagiinuman. May amats na ang iba, ang iba tumama na sa pader sa lashing. “Mukhang hindi nababawasan ang bote” bulungan ng mga magkakaibigan. “Ayos!” Laughtrip!

Videoke parin. Inom. Yosi.

Si longbalong umuwi para magpaalam uli. Si jumong umuwi para maligo. Si buto, hindi na alam ang gagawin. Naninikip ang dibdib, di makahinga. Umuwi at naligo, sinubukang sumuka. Wala parin. Ubo! Ubo!. Hingang malalim. Hindi na mahabol ni buto ang kanyang naglilipanang hininga. Habol parin. Matapos maligo. Nakaramdam ng init ng katawan, trankaso. “Pakshit! nilalagnat ako! Pisting alak at yosi yan” Natatawangpag-iisip ni buto.

Halos magkakasunod na bumalik ang tatlo sa bahay ni ilong. Di na kaya ng lahat. Suko na. Bagsak na si tanggero. Nagliligpit na ang iba. Sampung bote pa ang natitira. Suko na talaga.

Trip ng tropa magDOTA pagtapos, kaso pagod at matindi ang amats ng iba. Nagsiuwian. Nagpahinga.

Si buto, nangingiyak sa sikip ng dibdib. Di makatulog, di makahinga. Iyak parin ng iyak. Sinisisi ang sarili pati narin ang alak at yosi.

Kinabukasan, may trankaso ang magkakatropa…

Are you one of us?

Posted on July 3, 2007
Filed Under Daily Rants, kwentong tambay | 2 Comments

Masarap ang tawanan at kwentuhan ng tatlong magkakatropa kasama pa ang ilan pa sa kanilang mga katropa, na hindi naman bida sa kwentong ito, umiinom ng alak at humihithit ng yosi. Tatlong magkaka-ibang tao, magkaka-iba rin ang mga pagkato, magkaka-iba ang pangarap, magkaka-iba sa lahat, pero iisa lang ang pareho sa kanila. TAMBAY…

Si Longbalong ang pinakabata sa tatlo, hindi nakapasok ngayong sem dahil sa kabobohan ng skul na lilipatan niya. Ayun, napagpasyahan ng nanay nya na huwag munang maga-aral ngayong sem. Galing siya sa isa sa mga magagandang nursing school sa pinas.

Si Panot ang pinakamatanda sa tatlo, ilang taon na ring huminto sa pag-aaral, pero binabalak paring bumalik. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero balita ko, naimpluwensyahan ng iba pang katropa. Balak pagsubukin ng magulang sa pagsusundalo, kaya lang nagpakabit ng hikaw kinabukasan.

Si Buto naman ang nasa gitna. Graduate na sa kolehiyo sa isa sa pinakamagandang engineering school sa pinas. Apat na buwan na noong makatapak sa stage at kunin ang diploma pero hanggang ngayon hirap paring makahanap ng trabaho. Pangarap niyang makapunta ng abroad, kaya lang wala pang experience.

Ang iba pang character ay sina babs, jumong, tanggero, at iba pa.

itutuloy…

Ako Ba ‘To Part 2: Torpeng Tahimik…

Posted on July 1, 2007
Filed Under kwentong tambay | 3 Comments

May poging dumaan, naihi ako sa tuwa.. Haha joke lang. Natanggal lang brief ko.. Haha..

Kilala nyo ba si balong? Basta yong binata dun sa may kalye. Ayun! Kapogi, pero di parin sinasagot ng nililigawan nya. Tahimik raw kasi at totorpe torpe pa. Malamang nakakatulog ang kausap nitong si balong.

Sabi nila, porke gwapo ka na, Madali ka daw makakakuha ng chikas, babae, tibo, tomboy, bading. Pero dun sila nagkakamali. Diskarte boy! Yan ang kailangan. Kung puro mukha mo lang ang ihaharap mo. Malamang pwede ka ng isabit sa dingding.

Pero huwag niyong minamata itong mga torpeng tahimik na yong iba gwapo yong iba pangit(ibang usapan na yan, ang tawag dyan malas). Kasi mas totoo daw ang nararamdaman nitong mga nilalang na ganito na aakalain mo’y pipi dahil di maibuka ang bibig at manok sa sobrang kaduwagan. Tunay daw kung magmahal ang mga nilalang na ito. Di tulad ng mapormang mahangin na magaling ngang dumiskarte pero hindi mo alam kung puro bola lang ito, malamang pwede ka ng i-dribble.

Isa naman sa kinatatakutan sa mga nilalang na ito ay yong pagiging misteryoso nila. Suplado effect pa na nalalaman. Nasa loob ang kulo. Hindi mo alam kung bastos, malibog, o kung ano pa yan. Basta nakakatakot. Pwedeng magdilim ang kanilang paningin at kapag sumabog na ang kanilang mala isang kabang bigas na dibdib, e naku, magtago ka na. Iba kung magalit itong mga taong ‘to.

Pero kung susumahin. Mas gugustuhin ko na ang ganito, pero ayaw ko parin. Magulo! Basta basta!

Sabi nila torpe daw ako, kulang sa diskarte, immature, bobo, tanga. Yan ang mga naririnig kadalasan ng mga nilalang na katulad ko…

torpeng tahimik…

pero di pogi…

di rin pangit…

d rin hayop…

di rin gulay…

di rin bagay…

sirit?

ahm gagu ka e!

Subscribe

Subscribe feeds feedburner
feedblitz
Enter your Email


Powered by FeedBlitz

Experimental

Recent Comments

Blue Fish Network
Technorati's Philippine Top 100 Blogs
Text Link Ads