Ako Ba ‘To Part 2: Torpeng Tahimik…
Posted on July 1, 2007
May poging dumaan, naihi ako sa tuwa.. Haha joke lang. Natanggal lang brief ko.. Haha..
Kilala nyo ba si balong? Basta yong binata dun sa may kalye. Ayun! Kapogi, pero di parin sinasagot ng nililigawan nya. Tahimik raw kasi at totorpe torpe pa. Malamang nakakatulog ang kausap nitong si balong.
Sabi nila, porke gwapo ka na, Madali ka daw makakakuha ng chikas, babae, tibo, tomboy, bading. Pero dun sila nagkakamali. Diskarte boy! Yan ang kailangan. Kung puro mukha mo lang ang ihaharap mo. Malamang pwede ka ng isabit sa dingding.
Pero huwag niyong minamata itong mga torpeng tahimik na yong iba gwapo yong iba pangit(ibang usapan na yan, ang tawag dyan malas). Kasi mas totoo daw ang nararamdaman nitong mga nilalang na ganito na aakalain mo’y pipi dahil di maibuka ang bibig at manok sa sobrang kaduwagan. Tunay daw kung magmahal ang mga nilalang na ito. Di tulad ng mapormang mahangin na magaling ngang dumiskarte pero hindi mo alam kung puro bola lang ito, malamang pwede ka ng i-dribble.
Isa naman sa kinatatakutan sa mga nilalang na ito ay yong pagiging misteryoso nila. Suplado effect pa na nalalaman. Nasa loob ang kulo. Hindi mo alam kung bastos, malibog, o kung ano pa yan. Basta nakakatakot. Pwedeng magdilim ang kanilang paningin at kapag sumabog na ang kanilang mala isang kabang bigas na dibdib, e naku, magtago ka na. Iba kung magalit itong mga taong ‘to.
Pero kung susumahin. Mas gugustuhin ko na ang ganito, pero ayaw ko parin. Magulo! Basta basta!
Sabi nila torpe daw ako, kulang sa diskarte, immature, bobo, tanga. Yan ang mga naririnig kadalasan ng mga nilalang na katulad ko…
torpeng tahimik…
pero di pogi…
di rin pangit…
d rin hayop…
di rin gulay…
di rin bagay…
sirit?
ahm gagu ka e!
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
“Pero huwag niyong minamata itong mga torpeng tahimik na yong iba gwapo yong iba pangit(ibang usapan na yan, ang tawag dyan malas). Kasi mas totoo daw ang nararamdaman nitong mga nilalang na ganito na aakalain mo’y pipi dahil di maibuka ang bibig at manok sa sobrang kaduwagan. Tunay daw kung magmahal ang mga nilalang na ito.”
di tunay yan. may kilala akong tahimik. pangit na nga, gago pa! wala pang kwenta! wala ring magandang diskarte dahil kadalasan pumapalpak. cguro yun ung kinkwento mong malas nga. hahaha kidding
haha… exactly!!!
ahahahaha..hindi naman malas ang torpeng tahimik at pangit at the same time..yun eh palagay ko lang…
sabi mo nga..mas maraming bebot ang mga pangit kesa gwapo..
Kasi mas totoo daw ang nararamdaman nitong mga nilalang na ganito na aakalain mo’y pipi dahil di maibuka ang bibig at manok sa sobrang kaduwagan. Tunay daw kung magmahal ang mga nilalang na ito. — hindi rin..ahahahaha >mesyedung neigateb