Trankaso
Posted on July 15, 2007
Biyernes ng hapon ng makaramdam ng pangangati ng lalamunan si buto. Sa katigasan ng ulo at mga sulsol ng mga gagong katropa, tuloy parin sa paghithit ng yosi. Sige hithit parin. Hithit pa! Ubo Ubo! Pesteng ubo yan. Umuwi na lang si buto sa kanilang bahay para magpahinga.
Kinagabihan, nagising si Buto na parang may nakapatong sa kanya (bawal green minded). Parang hinihila ang kanyang katawan pabalik sa kamang hinihigaan. Ramdam niya ang sakit ng ulo at parang sumisikip ang dibdib dala ng plemang hindi malaman kung san nagmula.
Pinilit paring bumangon ni buto dahil napansin niya ang gutom na gutom na anaconda sa kanyang tiyan. Kasama si Babs, Panot, at Longbalong, sabay sabay na kumain doon sa may tapsihan. Si Panot ay hindi na kumain dahil katatapos pa lang niya. Si Longbalong, ay wala daw makain sa bahay. At ang magkapatid na si Buto at Babs ay walang makain sa bahay. Si buto ay pilit na hinihigop ang napakainit na soup sa kinainang tapsihan. Pilit tinatanggal ang kati na nararamdaman. Pagtapos, uwian na! Malakas ang hangin at ulan ang sumira sa tambay ng mga magkakatropa.
Kinabukasan, pumunta si Longbalong sa bahay nila Buto. “Psst! Psst!”, Tawag ni Longbalong sa harapan nila Buto. “Psst! Psst!” Wala paring lumalabas. “Psst! Psst!”, walang sawang tawag ni Longbalong. Sawakas, Lumabas din ang utol ni Buto. “Si buto?” sabi ni Longbalong. “Masama daw ang pakiramdam”, sabi ni Babs. “Ah okeh”, Sabi ni Longbalong. Sabay alis.
Alas 2 na ng hapon ng magising si Buto. Masama parin ang pakiramdam, Hinahabol ang mga hangin. Nag-uunahan bumagsak ang mga sipon sa kanyang ilong. Bumangon at sumilip sa bintana. Sakto! Nandoon si Longbalong. Nakatambay mag-isa sa tindahan ni Macky. Sumilip si Buto sa bintana sa kusina at sumenyas “Psst Psst!, waits lang ha?”. “Okeh” sabi ni longbalong.
Makalipas ang sampung minuto, di parin lumalabas si buto habang naghihintay at nababasa na sa ulan si longbalong. SI buto, naglilinis parin ng mukha, nagtatanggal ng sipon sipon at muta. nagbihis, nagsipilyo, Lahat na.
Tumatakbo palabas ng gate si Buto, Di inaalintana ang ulan at ang trankasong nararamdaman. “Yosi ka?” tanong ni longbalong. “Umm gago ka e!” pabirong sabi ni Buto. Laughtrip nanaman. Nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa internet at sa kaepalan ng mydestiny. Nagbabalak na kasing magpakabit ng Cable internet nitong si Longbalong para makaiwas sa pagtambay tuwing hapon.
Nagpaalam sa isa’t-isa ang magkatropang wala namang ginawa kundi ang sumilong sa maliit na bubong na tindahan nila Macky. Laughtrip lang kahit umuulan. Laughtrip kahit may sakit. Laughtrip kahit may problema.
Kinagabihan, nag-ambagan na ang mga magkakatropa at bumili ng isang kaha ng Red Horse Mucho. Pumwesto na! Alak na lang at babae ang kulang. Nakapaikot sa mesa ang magkakatropa. Si Jumong, ang tanggero nung gabing yon, si longbalong, ang major sponsor, si tanggero, ang pilit na magyaya uminom, si Panot, ang sumagot sa kwentuhan, si Mikul, extra lang, si Buto, sponsor rin, at si Babs, Nauntog sa Aircon.
Sige! Ubo parin, patuloy ang pagtahol ni Buto. Malaman laman na parang bagong taon ang tunog ng kanyang ubo. Ubo parin! Sabay kampay at hithit sa yosi…
Naubos ang alak, nanganak ang alak, naubos uli, uwian na…
Kinabukasan, nagtxt si ilong sa magkapatid na si buto at babs. “Tsong, need back up. ASAP! inuman na”, natatawang nabasa ng magkapatid ang text… Laughtrip kasi alas onse pa lang ng tanghali noon… Hindi alam kung pupunta dahil sa nangyari nung gabi, hilo pa at di pa umaalis ang pesteng alak sa katawan. Nagtxt uli si ilong… “Isama mo si jumong, tanggero, panot, at longbalong.”
Alas 2 ng hapon ng mapagdesisyunan ng magkakaibigan na pumunta kina ilong. Tutal isang kahon lang daw ang nandoon…
Bumuluga ang Isang libong piso ng dumating sa bahay ni ilong ang magkakaibigan, “Bili kayo ng 1 case ng beer at 2 kilo ng baboy, ihaw natin” pabor ng tito ni ilong. Mabilis na sumunod ang ibang katropa at ang iba ay naiwan para makipagkwentuhan. Naghahanap ng makakasama at makakainuman ang Tito ni Ilong na kababa lang ng barko.
Pagdating ng mga nautusan, pinabili pa sila uli ng dalawang case ng alak, mga yelo, at kung ano ano pa… Hanep, isang milagro! Bumabaha ng alak, tuwang tuwa ang magkakaibigan. Libre pa! May videoke pa.
Pumatak ang alas 6 ng hapon, unti unti ng nagkakasiyahan ang mga nagiinuman. May amats na ang iba, ang iba tumama na sa pader sa lashing. “Mukhang hindi nababawasan ang bote” bulungan ng mga magkakaibigan. “Ayos!” Laughtrip!
Videoke parin. Inom. Yosi.
Si longbalong umuwi para magpaalam uli. Si jumong umuwi para maligo. Si buto, hindi na alam ang gagawin. Naninikip ang dibdib, di makahinga. Umuwi at naligo, sinubukang sumuka. Wala parin. Ubo! Ubo!. Hingang malalim. Hindi na mahabol ni buto ang kanyang naglilipanang hininga. Habol parin. Matapos maligo. Nakaramdam ng init ng katawan, trankaso. “Pakshit! nilalagnat ako! Pisting alak at yosi yan” Natatawangpag-iisip ni buto.
Halos magkakasunod na bumalik ang tatlo sa bahay ni ilong. Di na kaya ng lahat. Suko na. Bagsak na si tanggero. Nagliligpit na ang iba. Sampung bote pa ang natitira. Suko na talaga.
Trip ng tropa magDOTA pagtapos, kaso pagod at matindi ang amats ng iba. Nagsiuwian. Nagpahinga.
Si buto, nangingiyak sa sikip ng dibdib. Di makatulog, di makahinga. Iyak parin ng iyak. Sinisisi ang sarili pati narin ang alak at yosi.
Kinabukasan, may trankaso ang magkakatropa…
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.