Posted on August 28, 2007
Filed Under Whaddup? | 2 Comments
Hindi ko na matandaan kung kailan ako unang nagblog pero hindi na siguro mahalaga yon, siguro ang mas mahalaga ay kung ano ang napala ko sa blogging.
Ano nga ba?
Unang una at pinaka-importante sa lahat, nagkaroon ako ng mga online friends na naka-appreciate ng mga pinagsusulat ko(meron nga ba?), na dumamay sa aking mga kabiguan at pumuri sa mga natamo. Masaya ang pakiramdam na kahit ang mga taong hindi mo nakikita ay nakikilala ka sa paraan ng pagblog. Salamat sa inyo. Alam nyo kung sino-sino kayo.
Ikalawa, dahil narin sa sinubukan kong i-monetize ang blog ko, nagkaroon ako ng konteng ipon, nakabili ng Mini Pinscher na ang pangalan ay tiny, nakabayad ng hosting at domain registration, pinaggas-up sa kotse para makauwi ng Zambales at marami pang iba. Kaya nagpapasalamat ako sa google adsense, sa text-link-ads, at sa BlogTo Profit.
Ikatlo, wala na.
Maraming salamat po! Baw!
PS. First time ko palang nanalo sa pacontest online, nanalo ako ng Replica ng David Webb Dog Tag
Posted on August 16, 2007
Filed Under Uncategorized | Leave a Comment
Nitong mga nakaraang araw eh nakwento sakin ng katropa ko yong tungkol sa Bourne Identity at Bourne Supremacy dahil nga ipapalabas na yong Bourne Ultimatum. Well, ako naman tong may memory gap na yata e hindi ko na matandaan ang mga pangyayari doon. So nagdownload ako ng torrent sa Torrentz.com para mapanood uli…
Tapos nagbloghop ako, aba naman nabasa ko yong post ni Yuga. May pacontest pala siya doon. May sasagutan ka lang na tanong tapos maari kang manalo ng Jason Bourne items tulad nung magandang cap at replica nung nng David Webb dog tag.

Madali lang sumali, Kaya ako punta ka na sa site niya.
Posted on August 1, 2007
Filed Under kwentong tambay | 4 Comments
Isinulat ni Panot
“Wake up! the time is seven o’clock!” ang sabi ng alarm clock.
Gumising ako at pinatigil ang alarm… Sabay check ng celfone
6 new messages
no 1. xenxa na sa L8 rePLY.. Nakatulog me e..^^
no 2. OhayOu! Eat ya BReaKy.
no 3. .’.mOrNing..’dont skip ur br8kfast..’+’
take care alwayz.’+’.., mwaahH…’+.. (ang landi magtext)
no 4. Mrning can u b my txtm8 [09194325510] (snob2)
no 5. Anung dskarte mu? [txt ni longbalong, may usapan kasi kami na pupunta ng SM Manila)
no 6. Mownin
Nagreply na lang ako sa kanilang lahat ng
Ittadiki masu!!
Sabay baba at pumunta sa CR upang magwiwi, hilamos at tutbras, pagkatapos ay nag-almusal na ako. Nung naubos ko na ang aking kape, lumabas ako ng bahay papuntang tindahan nang biglang nakasalubong ko si longblong at sinabi niya agad na
“SUS! anong diskarte mu brad!?..”
Sinagot ko naman siya “ang aga pa kaya, di pa yon bukas, ang usapan 9am ah.”
Nagulat si longbalong “Ewan ko sayo, ang gulo mo! Magsuklay ka nga!”
Tumambay kami sa tindahan at nag-isoy(yosi), sinubukan naming tawagin si buto “Sipol Sipol” ngunit bigo kami hindi siya lumabas, tulog pa yata…
Napalingon si longbalong sa kanto at napansin nyang may sumisilip[ulo ni tshirt] napansin ni tshirt na nakatingin kami sa kanya kaya napilita siyang lumabas at lumapit samin.
Laughtrip! Tumawa kaming dalawa ni Longbalong dahil sa nakasapatos at pantalon na agad si tshirt.
“Oh, bat nakabihis ka na? maya pa tayo aalis eh. Usapan natin magkikita muna tayo dito bago tayo maligo at magbihis” sabi ni longbalong.
Nagpalusot na lang si Tshirt “OK lang, may pupuntahan naman muna ako e”
Pero hindi umalis si tshirt, tumambay parin hangang 8:30, tapos nag-uwian na kami upang maligo at magbihis.
9:00 ay nagkikita kami ulit sa tindahan. Bumili ng isoy at pumara na ng sasakyan…
Habang nasa biyahe kami iniisip ko kung nandoon pa ang dati kong tambayan. Matagal na kasi akong di nakakapunta doon…
pagdating namin sa LRT edsa station, pumili ako sa bilihan ng LRT card. Habang bumibili ng card, dumating na ang tren at naging the FLASH ang mga tao, nagsitakbuhan para maabutan ang ngunit hindi sila nagtagumpay dahil sa aleng hindi marunong gumamit ng card. Nung nakaalis na ang tren saka lang siya tinuruan kung pano gamitin ang card.
Habang nakasakay kami sa tren, madami akong nakita at napansin: naglalabasang celfon, mga nakaheadset, mga babaeng nakahawak sa safety handrails na bumababa dahan dahan ang kamay hanggang pumtang sa ibang kamay (kamay ko ata yon).
Malapit na kami sa babaan namin ng biglang huminto ang tren… Narinig ko nanaman ang walang kamatayang “Naflat ang gulong”, “Naubos ang gasolina”, “trapik”, “baba na tayo dito” at syempre yong operator “Pasensya na po sa abala, may tren pa po sa unahan” tapos safety reminders ssunod dun… Nasabi kong “ganon parin”.
Nakarating kami sa central station. Paglabas ng tren makakakita ka parin ng taong hihinto sa hagdan para hanapin kung saan niya nilagay ang ticket nya… Mga nagtatakbuhang late, nagsisintas ng sapatos at sa labas ng station si manong bulag na naggigitara, si Ale nagtitinda ng yosi, mga chareger at wallet sa may kanto malapit sa SM manila.
Sa loob ng SM manila nandun parin ang mga nakikipagmeet o EB(eyeball) sa tapat ng National bookstore. Si doraemon sa worlds of fun, naalalako ang dati…
Niyaya ko si tshirt at longbalong sa dati kong tambayan, sumama sila.. Pagdating namin sa tambayan, ganun parin ito halos walang pinagbago, iba nga lang ang mga nakaupo. Medyo nalungkot ako.. Nakabalik nga ako, pero wala na sila…
Hi! My name is Jong Abad. I was born on the 31st of December 1986 in Paranaque, Philippines.
Graduating Student of Mapua Institute of Technology taking up BS in Computer Science with the Specialization in Multimedia.
A month from now I'll be one of those unemployed citizen, Hopefully not!
More...