Wednesday
kwentong tambayIwasan po nating sumandal sa magkabilang pinto ng tren
Isinulat ni Panot
“Wake up! the time is seven o’clock!” ang sabi ng alarm clock.
Gumising ako at pinatigil ang alarm… Sabay check ng celfone
6 new messages
no 1. xenxa na sa L8 rePLY.. Nakatulog me e..^^
no 2. OhayOu! Eat ya BReaKy.
no 3. .’.mOrNing..’dont skip ur br8kfast..’+’
take care alwayz.’+’.., mwaahH…’+.. (ang landi magtext)
no 4. Mrning can u b my txtm8 [09194325510] (snob2)
no 5. Anung dskarte mu? [txt ni longbalong, may usapan kasi kami na pupunta ng SM Manila)
no 6. Mownin
Nagreply na lang ako sa kanilang lahat ng
Ittadiki masu!!
Sabay baba at pumunta sa CR upang magwiwi, hilamos at tutbras, pagkatapos ay nag-almusal na ako. Nung naubos ko na ang aking kape, lumabas ako ng bahay papuntang tindahan nang biglang nakasalubong ko si longblong at sinabi niya agad na
"SUS! anong diskarte mu brad!?.."
Sinagot ko naman siya "ang aga pa kaya, di pa yon bukas, ang usapan 9am ah."
Nagulat si longbalong "Ewan ko sayo, ang gulo mo! Magsuklay ka nga!"
Tumambay kami sa tindahan at nag-isoy(yosi), sinubukan naming tawagin si buto "Sipol Sipol" ngunit bigo kami hindi siya lumabas, tulog pa yata...
Napalingon si longbalong sa kanto at napansin nyang may sumisilip[ulo ni tshirt] napansin ni tshirt na nakatingin kami sa kanya kaya napilita siyang lumabas at lumapit samin.
Laughtrip! Tumawa kaming dalawa ni Longbalong dahil sa nakasapatos at pantalon na agad si tshirt.
“Oh, bat nakabihis ka na? maya pa tayo aalis eh. Usapan natin magkikita muna tayo dito bago tayo maligo at magbihis” sabi ni longbalong.
Nagpalusot na lang si Tshirt “OK lang, may pupuntahan naman muna ako e”
Pero hindi umalis si tshirt, tumambay parin hangang 8:30, tapos nag-uwian na kami upang maligo at magbihis.
9:00 ay nagkikita kami ulit sa tindahan. Bumili ng isoy at pumara na ng sasakyan…
Habang nasa biyahe kami iniisip ko kung nandoon pa ang dati kong tambayan. Matagal na kasi akong di nakakapunta doon…
pagdating namin sa LRT edsa station, pumili ako sa bilihan ng LRT card. Habang bumibili ng card, dumating na ang tren at naging the FLASH ang mga tao, nagsitakbuhan para maabutan ang ngunit hindi sila nagtagumpay dahil sa aleng hindi marunong gumamit ng card. Nung nakaalis na ang tren saka lang siya tinuruan kung pano gamitin ang card.
Habang nakasakay kami sa tren, madami akong nakita at napansin: naglalabasang celfon, mga nakaheadset, mga babaeng nakahawak sa safety handrails na bumababa dahan dahan ang kamay hanggang pumtang sa ibang kamay (kamay ko ata yon).
Malapit na kami sa babaan namin ng biglang huminto ang tren… Narinig ko nanaman ang walang kamatayang “Naflat ang gulong”, “Naubos ang gasolina”, “trapik”, “baba na tayo dito” at syempre yong operator “Pasensya na po sa abala, may tren pa po sa unahan” tapos safety reminders ssunod dun… Nasabi kong “ganon parin”.
Nakarating kami sa central station. Paglabas ng tren makakakita ka parin ng taong hihinto sa hagdan para hanapin kung saan niya nilagay ang ticket nya… Mga nagtatakbuhang late, nagsisintas ng sapatos at sa labas ng station si manong bulag na naggigitara, si Ale nagtitinda ng yosi, mga chareger at wallet sa may kanto malapit sa SM manila.
Sa loob ng SM manila nandun parin ang mga nakikipagmeet o EB(eyeball) sa tapat ng National bookstore. Si doraemon sa worlds of fun, naalalako ang dati…
Niyaya ko si tshirt at longbalong sa dati kong tambayan, sumama sila.. Pagdating namin sa tambayan, ganun parin ito halos walang pinagbago, iba nga lang ang mga nakaupo. Medyo nalungkot ako.. Nakabalik nga ako, pero wala na sila…
Aug 1, 2007
Reply
at hindi ka naligo? wiwi, tutbras, hilamos lang? hahahaha
Aug 3, 2007
Reply
itetext ko yung no. 4 lol
Aug 13, 2007
Reply
“Naflat ang gulongâ€, “Naubos ang gasolinaâ€, “trapikâ€, “baba na tayo ditoâ€
>> Haha! I often heard these phrases on my train ride haha!
Aug 23, 2007
Reply
hehe. nasa hulihan pala ang emoterong linya.