Katangahan ba ang Magmahal?
Posted on September 14, 2007
Ano nga ba ang batayan ng pagmamahal? Katangahan ba?
Sa totoo lang hindi ko alam, wala pa akong gaanong karanasan sa ganitong bagay pero siguro nasa tamang pag-iisip na ako para alamin kung ano ang batayan ng pagmamahal.
Ang pagmamahal ay iba sa awa, hindi mo mamahalin ang isang tao dahil mahal mo siya. Mahal mo siya dahil naaawa ka sa kanya? Hindi ganon. Mamahalin mo ang isang tao kung ano at sino siya, hindi dahil sa nagmamakaawa siya at naawa ka naman. Pareho kayong nagtatanga-tangahan.
Sabi naman ng iba, kahit anong baho pa ng tao ay mamahalin at mamahalin mo parin, pero sa tingin ko lang hindi rin tama ito. Ano, Paiiralin mo ba ang katangahan mo? Mahal mo nga, pero hindi pwede? Bakit? Maraming tanong, kokonte ang sagot, Pero sa sagot na iyon, malamang tama ang karamihan. Bakit ka magmamahal ng taong alam mong hindi deserving sa pagmamahal mo? Bakit ka magmamahal ng taong alam mong may pamilya na at anak, tama bang pagmamahal na ito o pinapairal lang ang katangahan, or siguro libog narin. Base ito sa mga nakikita ko ngayon. At hindi ko alam kung tama ba o mali ang naiisip ko. Pero sa tingin ko tama!
Ang sa akin lang, sana minsan hindi puro puso ang pinapagana natin, kahit konte paganahin ang pag-iisip. Oo nga’t masarap magmahal, pero mas masarap magmahal kapag alam mong wala kang natatapakan, wala kang sasaktan, walang nagagalit sayo. Dba?
Opinyon lang po, ikaw ano masasabi mo?
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
tama ka di nga lang laging puso ang pinapairal,,, pero, pano ba mapipigilan na hindi sundin ang puso mo????….
sa sitwasyon ko kac, di ko alam kung totoo nga ba talaga ang mga sinsabi nya,, may tyms na di ako naniwala,, at my times din na napapaniwala nya ako sa mga sinasabi nya,,,… di ko magawang aminin sa sarili ko na tatanga-tanga na pala akong nagmamahal sa kanya,,,.. ewan” ang gulo,,,..
isa lang kac ang tanong ko e” bakit xa ganun??,, kung lage nyang sinasabing mahal nya ako at pinahahalagahan, bakit di niya kayang ibaba ang pride nya???????
Tama ka, pano mo masasabi sa puso mo na “TAMA NA!” enough is enough. Sobra na. I think nasa instinct natin na nararamadaman natin yan panahon na yan. yong tipong hindi na kaya at sawang sawa na. Siguro that’s the time na kausapin mo siya at sabihin mo kung ano problem. Communication parin ang the best na solusyon.
But then again, sabi mo di niya kayang ibaba pride niya. well, problema nya na yon. Kung mahal ka niya dapat alam niya kung kailan dapat hindi ipairal ang pagiging mapride. mahirap yon. Pero kung di talaga niya kaya, then iwan mo na. At the end, siya ang nawalan at hindi ikaw.
Masarap magmahal pero to the point na nagbubulagbulagan at nagtatanga-tangahan ka na e hindi na maganda yon.
Just an opinion