CISCO Here I come

Posted on November 11, 2007
Filed Under Whaddup?, kwentong Disyerto | Leave a Comment

Grabe kapagod ang araw na to. Gising ng maaga para umatend ng gawain tapos punta sa school para umatend ng CCENT class slash review slash training at mamaya na ang kwento about dun. Pagkatapos ng class ay oras naman para maglaro ng badminton. Halos buong magdamag ay aktibo ang aking katawan. Di na ako sanay.

Patungkol naman sa CCENT o certified cisco entry network technician, opo tama ang nababasa mo. Cisco at networking, parang ang layo sa programming na mas gamay at interesante ako. Hindi porke nakapagtapos na ako ng kolehiyo e dun na matatapos ang pagaaral. Sa katunayan nagenrol po ako sa philippine school dito sa riyadh ng CCENT, pre requisite kasi ito ng CCNA o certified cisco network associate. Accredited o authorized naman ang school ng pearson vue, acuvue(haha joke,brand eto ng contact lens), at iba pang klase like prometric etc. Sa katunayan madaming pinoy o kabayan kung tawagin ang nageenrol.

Bakit ko pala naisipan kumuha nito? Sa totoo lang, tres lang ang grado ko sa data communications and networking at isang beses lang sumagi sa isip ko na cisco ang kunin na elective. Pero anong nangyari ngayon? Well hindi ko alam. Nasuggest kasi ng marami, at naisip ko na ako naman ang magbebenefit. Dagdag kaalaman plus competitiveness(may ganto bang word?hehe) dahil sa certification. Parang nakikita at nararamdaman ko na nga ang realidad. Hindi porke gusto at interesante eh ayus na. N0! Kailangan pagisipan mabuti, gusto ko nga magprogram eh walang opportunity. At least may second option. Dba?

at alas dose na pala ng hating gabi. Uber pagod. Tomorrow, baka my evening class ako. Twice a week pala ang class tapos 4-6 weeks yata. Suportahan nyo po ako at ipagdasal po natin kung anu ba talaga ang wil sakin ng diyos. I know god has better plans for me.naks!

ps
pakiramdam ko ang haba ng sinulat ko,ang igsi lang pala. Napagod na daliri ko at napudpod na keypad ng phone ko. Ang hirap magpost via mobile slash email.hehe

Subscribe

Subscribe feeds feedburner
feedblitz
Enter your Email


Powered by FeedBlitz

Experimental

Recent Comments

Blue Fish Network
Technorati's Philippine Top 100 Blogs
Text Link Ads