Friday
kwentong tambayPaglakas ng piso… dagok sa ating mga bayaning OFW
Milyong milyong pinoy at pinay ang nagpupunta sa ibang bansa para sa inaasam na mas magandang kinabukasan para sa kani-kanilang mga pamilya. Sa katunayan, itinuturing ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na bayan ng ating bayan. Bayani dahil sa patuloy na paghihirap na dinadanas at sa kakulangan ng gobyerno na siyang dapat tumutulong sa mamamayang pilipino.
Nitong nagdaang taon, lumakas ang halaga ng piso mula sa 50 hanggang 40 kada piso. Milyong milyong pilipino nanaman ang nagsakripisyo dahil sa naging sitwasyon ng ating bayan. Kung ang dating pinapadala na $200 ay katumbas ng 10000 pesos, ngayon ay nasa 8000 pesos na lang. Halos 20 porsyento ang talo ng bawat OFW.
Patuloy na tumataas ang halaga ng piso ngunit wala rin tigil ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin na siyang nakakaapekto sa mga OFW. Malaking kasinungalingan ang sinabi ni Gloria na “Strong peso means a strong economy”. Asan na ang kalakasan ng ekonomiya? Bakit patuloy parin ang pagsakripisyo ng ating mga bayani?
Ano naman kaya ang ginagawa ng ating gobyerno para matulungan ang ating mga bayani? Wala silang ginagawa dahil ang alam lang nila ay mangurakot at payamanin ang kanilang mga sarili.
Nakakalungkot pero eto ang hinaharap ng bawat OFW naghihirap at nagsasakripisyo na tinuturing pang bayani. tsk tsk
Jan 31, 2008
Reply
Talagang talo nga sa palitan ang mga umaasa sa dolyar sa Pilipinas. Pero meron bang magandang epekto ang paglakas ng piso sa ‘ting ekonomiya?
Naalala ko noong mas bata pa ‘ko, maraming nagrereklamo tuwing bumababa ang piso at tumataas ang palitan ng dolyar. Ngayon parang mas gugustuhin pa nating mas malakas ang dolyar para panalo sa palitan sa money changer.
Feb 25, 2008
Reply
nakakaawa