24 Oras

Posted on February 25, 2008
Filed Under kwentong Disyerto | 4 Comments

24 oras! Dahil hindi natutulog si Jong!

clock.jpg

24 oras na lang at babalik na ako sa Pinas. As of writing this entry eh sakto 24 hours ayon sa aking PC clock. 0055 KSA time Feb 26, 2008 ang balik ko sa Pinas galing sa Paliparan ni King Khalid lulan ng eroplano ng Saudia. hehe

After almost 5 months, sawakas!

Wala lang. Medyo nalulungkot ako kasi mamimiss ko ang shawarma pati narin ang kabsa. At syempre mamimiss ko ang mga magulang ko pati narin ang aking bagong friends. Pero wala akong magagawa, siguro may inihahanda pang mas maganda sa akin ang diyos. Ewan ko, sinabi ko rin ito nung papunta ako rito. Pero naging hindi maganda ang pakitutungo ng bansang ito (Saudi) sa akin. Di tulad sa pinas na binibigyan ng importansya ang mga walang experience sa trabaho, dito kelangan nila ang may 2 years experience at ang training ay para lang sa mga kalahi nila because of the Saudization na sa palagay ko eh aabutin pa ng panahon ni kopong kopong bago maisapatupad.

Babalik ako sa Pinas hindi dahil sa nabigo ako dito, ngunit sa dahilan na may mas magandang oportunidad (sa aking palagay) sa bansa natin para sa mga katulad kong bagong graduate. At isa pa, ayokong habang buhay na lamang akong umaasa sa aking magulang. Hindi naman sa ayaw ko ng nakakatulong sila, pero I think it’s about time na matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Gusto ko namang makamit ang tagumpay. Gusto kong makapasok ng trabaho ng ako yong naglakad hindi dahil sa may backer ako. Ayoko non.

Kinakabahan ako at natatakot sa mga maaaring mangyari sa pinas. Sa mga bagong haharaping job interviews at sa mga pagsubok. Kinakabahan ako na baka sa paggising ko ay hanapin ko ang masarap na pagkain na luto ni mama. Baka matambakan ako ng damit na marumi. Hindi na yata ako sanay na may kasama sa kwarto.

Basta ang dami kong pinangangamba. Pero masaya ako kasi malaya na akong makakapagpasa ng resume ng walang alinlangan at walang hinihintay na go signal sa tatay ko. Makakasama ko narin ang aking friends na sabik na sabik kong makakwentuhan. Syempre ang aming asong si tiny na nakalimutan kong bilihan ng dog food haha. Mga kapatid kong pasaway pero namimiss ko sila. At syempre ang aking mga fans.

This is it! Ano nanaman kaya ang bagong naghihintay sa akin?

Ikaw, anong plano mo sa buhay? Habang buhay ka bang nasa Pinas? o habang buhay kang tatambay? Magbagong buhay na kayo mga tsong! hehe

Good bye Saudi. Sana hindi ito ang huli kong pagblog dito sa Saudi.

Sand Storm

Posted on February 20, 2008
Filed Under kwentong Disyerto, kwentong tambay | 2 Comments

Mahigit isang lingo na ng maging tama lang ang temperatura. Sa hapon mahangin pero di malamig, sa gabi naman mahangin rin pero tamang tama lang ang lamig. Di tulad ng mga nakaraang lingo na halos bumaba hanggang zero ang temperatura minsan nagnegative pa.

Naninibago ako dito sa Riyadh dahil sa klima. Sa alkhobar kasi, mula November hanggang March mararamdaman mo ang lamig. Dito pabago bago, ngayong lingo mainit baka sa makalawa lumamig nanaman. First time ko kasi magwinter dito sa Riyadh.

Isa sa mga sinyales naming noon na magtataglamig na ay ang sand storm. Ito yong pagbaha ng buhangin. Nyahaha. Makapal na alikabok o buhangin na tangay tangay ng malakas na hangin ang babalot sa kapaligiran. Parang fog ang itsura kung sa malayo dahil Malabo ang makikita mo. Masakit sa ilong kaya kailangan magtakip kasi nagdadala ito ng matinding sakit. Marami ang matutuwa sa pagdating nito, sawakas mapapalitan na ang init ng lamig. Ngunit sinyales rin ito ng papasok na tag-init.

Sa eastern province, kung saan nagstay ako for 4 years, ulan naman ang batayan. Pag-umulan na lalamig na. At tulad ng sabi ko, opo, umuulan dito at nagbabaha. At nasususpinde ang klase dahil doon. Dito sa Riyadh, bahagya lang ang pag-ulan na naranasan ko, ambon lang.

Kagabi, nagpunta kami sa Batha. Ang Batha ay isa sa mga lumang pasyalan ng mga Pinoy dito sa Riyadh. Parang divisoria pero hindi pa talaga ako nakakarating sa divisoria. Parang Joawhra pero hindi nyo alam yon. Hindi malamig kagabi, well nong umalis kami. Pero makalipas ang ilang oras, medyo ramdam ko ang pananakit ng lalamunan at hirap ng paghinga. Maalikabok, sand storm nanaman. Napaisip ako, siguro magtatag-init nanaman. Pero pagdating ng mid night at pauwi na kami, grabe ang lamig kaya naisip ko baka eto na ang huling yugto ng taglamig. Maaaring lumamig pa uli, pero di na magtatagal at magsasand storm uli at papasok naman ang tag-init.

Sabin ng nanay ko, pwede na raw akong weather forecaster kasi tumatama lagi ang ulat panahon ko sa kanila haha. Weather weather lang yan. Teka, after ilang months ko rito eh nararamdaman kong sisipunin na ako. Akalain mo nga naman. Tsk tsk. Sand storm talaga.

Madamot, di na tayo bati!

Posted on February 16, 2008
Filed Under kwentong Disyerto, kwentong nakakaasar, kwentong nakakatuwa | 5 Comments

Nung balentyms day natulog ako maghapon, kasi trip ko lang. Kesa naman magemote ako at magpakasasa sa pakikinig ng malulungkot na kanta e minabuti kong mahimlay na lang sa himlayan ng mga batugan. At bakit nagloloko ang period key.

Ginising ako ni mama(basahin mo ng sosyal, mama hindi ma-ma, dapat mabilis - mama!) dahil may bibisitahin kami sa ospital. Ang saya diba, balentayms sa ospital. Pero bago ako naghanda para umalis, nag-internet muna ako pero pakshet wala palang internet. Akala ko down lang o kaya naman kailangan i-reset ang router eh wala sakin yon kasi linta kami. So pinatay ko na lang at naligo. Umalis na kami.

Excited akong umuwi para mag-internet kasi nga trip ko lang. Ayun! wala parin! May option na na diagnose sa windows vista kaya malalaman mo kung ano problema. Di raw nagmatch ang password. Inulit ulit ko pero nabigo lang ako. Pakshet! Madamot, di na tayo bati.

Siguro, napansin nya na marami na siyang kahati sa mabagal niyang internet connection. Eh dito palang sa flat namin dalawa na ang gumagamit tapos minsan tatlo pa, tapos sa rooftop may isa pa plus siya mismo. Kulang kulang 4 ang naghahati sa connection.

Sana matauhan siya, kundi papaalisin namin siya dito sa building haha. Baka hindi niya alam, kanang kamay ni baba(may-ari ng building) ang tatay ko. Haha

Teka, sa ngayon nakikikonek lang ako sa ligaw na koneksyon at baka mawala narin ‘to. Sa totoo lang, bumangon talaga ako kasi naramdaman ko na makakakonek ako, at eto nga. Ang galing ko talaga, siguro dahil narin sa malaki kong tenga at nakakasagap ako ng pambihirang ewan.

O siya, bago pa mawala ang aking presensya sa mundo ng showbiz, i papublish ko na eto.

later!

Balentayms nanaman

Posted on February 14, 2008
Filed Under Kwentong sawi, kwentong Disyerto, kwentong emo, kwentong pag-ibig, kwentong tambay | 1 Comment

Pakshet talaga, hindi na ako makatulog. Nagising kasi ako ng 11pm, at kamusta naman 4:30am Saudi time.

Siguro hindi ako makatulog dahil balentayms na. Ewan ko, naalala ko lang kasi yong napakasayang araw last year. Nakaupo ako sa makipot na upuan sa harap ng isang napakagandang bagay. Tinitigan ang bagay na yon. Pinagmasdang muli. Tandang tanda ko pa ang hirap na dinanas ko ng araw na yon. Pamula umaga hanggang tanghali, boses ng babae ang naririnig at nagbibigay ng instruction. Kasabay ng iba pang applikante, sabay sabay naming sinagutan ang exam.

Paglabas ko sa building sa may Ortigas, napansin ko ang mga ngiti ng naglalakad na mga tao HHWW at HHWWPSSP. Habang ang karamihan ay nakasuot ng pula at may hawak ng bulaklak, ako nama’y nakasuot ng green para maiba naman. Di ko maiwasang mapaisip at di ko ring maiwasang di malungkot.

Isang taon na pala yon, wala parin akong trabaho. hahaha

Asan na kayo?

Posted on February 14, 2008
Filed Under Daily Rants, Kwentong naghahanap | 3 Comments

Matagal tagal narin akong paikot-ikot sa mundo ng showbiz, este blogging pala. Marami akong naging online friends at marami rin akong naging fans. Fero (talagang fero) feeling ko lang yon.

June 2005 nag-simulan ko ang blog na to. Medyo naging masaya yong mga unang taon. Ang sarap ng pakiramdam ng maraming comments. Feeling celebrity talaga. Pano pa kaya ang mga celebrity bloggers, ano kaya ang pakiramdam ng isang Abe?

Hindi ko naman ninais na maging sikat na blogger. Nakakalungkot lang na makalipas ang mahabang panahon, unti-unting nawawala ang mga kapwa ko blogger na napapadpad at nagbibigay ng komento dito. Siguro dahilan narin ng pagkawalang kwenta ng entries atsaka ng pagwala ng panahon.

Sabi nga nila, weather weather lang yan. Minsan nasa taas ka, minsan nasa ibaba. Pero bakit ang tagal ng panahon na nasa baba ako. Gusto ko yatang umakyat.

Siguro kailangan gumawa ng paraan para bumalik ang dating sigla ng bahay ko. Para bumalik din ang mga nangangapitbahay.

Asan na kayo? Kumatok lang kayo, libre ang pumasok at walang bayad.

Subscribe

Subscribe feeds feedburner
feedblitz
Enter your Email


Powered by FeedBlitz

Experimental

Recent Comments

Blue Fish Network
Technorati's Philippine Top 100 Blogs
Text Link Ads