Kahoy!

Posted on February 12, 2008

Siguro kung tubig ako, matagal na akong pinamamahayan ng mga lamok. At malamang sa malamang, marami ng taong nakapaligid sa akin ang naiirita o kaya naman e na-dengue. Pero hindi ako tubig, kahoy ako! kahoy!

Ang hirap pala maging tambay, sa una lang masarap. Ang sarap ng pakiramdam kapag nagpapakasaya ka, parang wala ng bukas. Hindi mo namamalayan yon oras, bigla ka na lang magugulat at sasabihing “grabe isang taon na pala yon!”.

Isang taon na akong tambay. Magpaliwanag man ako o hindi, malamang wala ng makikinig sa kin at syempre wala ng maniniwala. Ewan ko ba. Kahoy nga siguro ako, kung mapabayaan mo, aanayin na lang at rurupok. At sa bandang huli, dumi na lang ang makikita mo. Wala ng pakinabang, patapon na. Pero ibig ba sabihin nito e wala na akong pag-asa para maging kahoy uli?

Siguro mas maganda kung tubig na lang ako, pero ayaw ko naman bahayan ng mga kiti-kiti. Kahoy na lang, mas masaya ang anay.

haha ang gulo ko. Marahil dala ito ng sitwasyon ko sa ngayon.

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments