Asan na kayo?

Posted on February 14, 2008

Matagal tagal narin akong paikot-ikot sa mundo ng showbiz, este blogging pala. Marami akong naging online friends at marami rin akong naging fans. Fero (talagang fero) feeling ko lang yon.

June 2005 nag-simulan ko ang blog na to. Medyo naging masaya yong mga unang taon. Ang sarap ng pakiramdam ng maraming comments. Feeling celebrity talaga. Pano pa kaya ang mga celebrity bloggers, ano kaya ang pakiramdam ng isang Abe?

Hindi ko naman ninais na maging sikat na blogger. Nakakalungkot lang na makalipas ang mahabang panahon, unti-unting nawawala ang mga kapwa ko blogger na napapadpad at nagbibigay ng komento dito. Siguro dahilan narin ng pagkawalang kwenta ng entries atsaka ng pagwala ng panahon.

Sabi nga nila, weather weather lang yan. Minsan nasa taas ka, minsan nasa ibaba. Pero bakit ang tagal ng panahon na nasa baba ako. Gusto ko yatang umakyat.

Siguro kailangan gumawa ng paraan para bumalik ang dating sigla ng bahay ko. Para bumalik din ang mga nangangapitbahay.

Asan na kayo? Kumatok lang kayo, libre ang pumasok at walang bayad.

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

3 Comments so far
  1. jeeper February 14, 2008 9:04 AM

    Napansin ko na marami sa mga blogger noon ang nawala mula nang mag-graduate yung marami. Nagparamdam na lang recently yung iba pero di tulad ng dati na may comment sila sa lahat ng posts.

  2. staticblu3 February 14, 2008 9:28 AM

    Napansin ko rin yon. Yong iba naman nagpalit na ng link. Kaya ang hirap hagilapin. Buti andyan ka pa. hehe

  3. chii February 27, 2008 6:12 AM

    eh kasi tagal mo di nag update tampo tuloy kami. wahhaha peace!