Balentayms nanaman

Posted on February 14, 2008

Pakshet talaga, hindi na ako makatulog. Nagising kasi ako ng 11pm, at kamusta naman 4:30am Saudi time.

Siguro hindi ako makatulog dahil balentayms na. Ewan ko, naalala ko lang kasi yong napakasayang araw last year. Nakaupo ako sa makipot na upuan sa harap ng isang napakagandang bagay. Tinitigan ang bagay na yon. Pinagmasdang muli. Tandang tanda ko pa ang hirap na dinanas ko ng araw na yon. Pamula umaga hanggang tanghali, boses ng babae ang naririnig at nagbibigay ng instruction. Kasabay ng iba pang applikante, sabay sabay naming sinagutan ang exam.

Paglabas ko sa building sa may Ortigas, napansin ko ang mga ngiti ng naglalakad na mga tao HHWW at HHWWPSSP. Habang ang karamihan ay nakasuot ng pula at may hawak ng bulaklak, ako nama’y nakasuot ng green para maiba naman. Di ko maiwasang mapaisip at di ko ring maiwasang di malungkot.

Isang taon na pala yon, wala parin akong trabaho. hahaha

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

1 Comment so far
  1. Madamot, di na tayo bati! : GeekLamador February 16, 2008 8:40 AM

    […] balentyms day natulog ako maghapon, kasi trip ko lang. Kesa naman magemote ako at magpakasasa sa pakikinig ng […]