Madamot, di na tayo bati!
Posted on February 16, 2008
Nung balentyms day natulog ako maghapon, kasi trip ko lang. Kesa naman magemote ako at magpakasasa sa pakikinig ng malulungkot na kanta e minabuti kong mahimlay na lang sa himlayan ng mga batugan. At bakit nagloloko ang period key.
Ginising ako ni mama(basahin mo ng sosyal, mama hindi ma-ma, dapat mabilis - mama!) dahil may bibisitahin kami sa ospital. Ang saya diba, balentayms sa ospital. Pero bago ako naghanda para umalis, nag-internet muna ako pero pakshet wala palang internet. Akala ko down lang o kaya naman kailangan i-reset ang router eh wala sakin yon kasi linta kami. So pinatay ko na lang at naligo. Umalis na kami.
Excited akong umuwi para mag-internet kasi nga trip ko lang. Ayun! wala parin! May option na na diagnose sa windows vista kaya malalaman mo kung ano problema. Di raw nagmatch ang password. Inulit ulit ko pero nabigo lang ako. Pakshet! Madamot, di na tayo bati.
Siguro, napansin nya na marami na siyang kahati sa mabagal niyang internet connection. Eh dito palang sa flat namin dalawa na ang gumagamit tapos minsan tatlo pa, tapos sa rooftop may isa pa plus siya mismo. Kulang kulang 4 ang naghahati sa connection.
Sana matauhan siya, kundi papaalisin namin siya dito sa building haha. Baka hindi niya alam, kanang kamay ni baba(may-ari ng building) ang tatay ko. Haha
Teka, sa ngayon nakikikonek lang ako sa ligaw na koneksyon at baka mawala narin ‘to. Sa totoo lang, bumangon talaga ako kasi naramdaman ko na makakakonek ako, at eto nga. Ang galing ko talaga, siguro dahil narin sa malaki kong tenga at nakakasagap ako ng pambihirang ewan.
O siya, bago pa mawala ang aking presensya sa mundo ng showbiz, i papublish ko na eto.
later!
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
Talagang mama ang tawag mo sa iyong ina, mayaman! LOL! May error codes ba sa Vista pag naka-network ng wireless?
i’d rather sleep than be imaw… i mean emo during valentine’s. i don’t have any reasons to commence the date either. ye, lets shleeeep…
*twiger passing by
@jeeper
haha, kunyari lang talaga. mama(like cow) ang tawag ko, di yong mama na pang haciendero. hehe
wala naman, may diagnostics lang tsaka mga suggestion kung pano maresolve yong problem
@twiger
yeah! lets shleep! hehe
thanks for passin by
Lumipas ‘yung Valentine’s Day sa akin na parang wala lang. Parang normal na araw lang.
Anyway, sabi ni liz eh uuwi ka na daw ng Pinas (that is kung di ka pa nga nakakauwi). Hehehe. Ibig sabihin pag-uwi mo eh magkakaron ka na ng legal na connection. Hurray!
skwayred
oo, mas masarap pa matulog. pero dapat nagdate ka galing sa blogosphere. haha joke lang.
Yep, nagbibilang na ako ng araw. Yahuuu!!