8mcdo

Posted on March 4, 2008

Ang hirap talaga ng buhay dito sa Pinas lalo na kapag malayo sa yo magulang mo. Mahirap rin lalo na kapag wala kayong helper sa bahay. Umalis na kasi yong tita ko na siyang helper namin, nagpunta siya ng Malaysia. Mula noon, kanya kanya na dito sa bahay. Kanya kanyang laba, linis, hugas, at kain. Animo’y di magkakakilala. Masaklap lalo na’t nasanay ako ng gigising na lang sa umaga o tanghali at handa ng pagkain, Malinis narin ang mga damit at itutupi na lang.

kagabi nanakit ang katawan ko, naglaba kasi ako ng mga damit ko. Siguro huling beses na naglaba ako ng ganun karami at nung high school ako, well hindi naman marami kasi puro pantalon lang nilalaba ko dati. Pero kagabi, kelangan i-hiwalay ang puti at de-kolor. Though may washing machine, mahirap parin kasi di automatic at walang hose kaya ang hirap magbuhat ng timba.

Isa naman sa ayaw kong nangyayari araw araw ang pagkain. Ewan ko, walang magaling magluto samin o baka mga tamad lang. Nasanay kasi ng may taga-luto, ayun bili nalang sa labas. Araw araw ganon, nakakasawa. Ngayon, dahil hindi ako binilhan ng utol ko ng pagkain at sarili niya lang binilhan nya, minabuti ko na lamang mag-oder ng Mcdo.

Dahil estilong makaluma na ang aming pamumuhay, walang TV at walang telepono, Sinubukan kong muli ang 8mcdo.com. Nagorder ako ng isang BigMac Meal Upsize at isang McFlurry Oreo, 165 na ang minimum kaya nagorder pa ako ng McFlurry. Send! Nasend ang request ko. Akala ko ayaw tumawag kasi celfon nilagay ko. After 15 minutes of waiting, tumawag. “Hello Sir, McDo po ito, Coconfirm ko lang order nyo” blah blah blah.

Sawakas makakain na ako. Yan ang silbi ng teknolohiya, para sa mga tamad at nagtatamadtamaran. Well, paminsan minsan maganda rin yan.

Teka, ang tagal ng order ko.

Update: Ang bilis ng order, i mean tama lang. Tinignan ko kasi yong received call, 3:10pm nandun, Tapos ngayon 3:42 kumakain na ako. Heheh

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

7 Comments so far
  1. Ade March 4, 2008 4:02 PM

    Ambilis talaga dumating ng order sa 8mcdo no? hehehehehe

  2. skwayred March 4, 2008 8:50 PM

    Na-try ko na din mag-order sa 8McDo. Hehehe. Para maiba lang. :P

  3. staticblu3 March 5, 2008 2:06 AM

    @ade,

    oo mabilis nga parang fast food haha..

    @skwayred,

    Ano inorder mo? Mas maganda kasi sa 8mcdo at makikita mo yong order kesa kapag sa phone na hindi mo alam kung ano. Ay ewan basta maiba lang hehe.

  4. jeeper March 5, 2008 8:49 AM

    Pag tumatambay kami sa barkada ko, madalas kaming naka-8-mcdo. Madali kasing tandaan. Last week Jollibee naman for a change. Masarap ang breakfast meals nila.

  5. staticblu3 March 5, 2008 7:48 PM

    @jeeper

    di ko pa natikman ang breakfast meal ng jollibee, matry nga minsan.

    Nung Sunday morning pala nasa eastwood Mcdo ako around 4. haha saya, breakfast sa malayo para naman maiba..

  6. feliz March 7, 2008 5:04 PM

    Nakakaiyak naman yung entry mo jong. Anyway, di ko pa nata-try yan eh…

  7. staticblu3 March 7, 2008 7:11 PM

    loko loko ka talaga.. try mo mas masarap ang pagkain sa 8mcdo kesa sa mcdo lang.. hahaha