Side B
Posted on March 10, 2008
Mag 6PM na ako nagising kanina, galing kasi ako sa session kaya inumaga ako ng uwi. Nagising ako kasi nagring ang talepono ko, tumatawag si mama. Medyo hindi naging maganda yong naging pag-uusap namin. Nasungitan ko kasi si mama.
Sa totoo lang hanggang ngayon nakokonsensya parin ako dahil ganun yong nangyari. Minsan na nga lang tumawag, nasungitan ko pa. Siguro dahil talagang masakit pa ang ulo ko nung tumawag siya, at lalong sumakit ang ulo ko ng tanungin ako tungkol sa mga inaapplyan kong trabaho. Nararamdaman ko nanaman ang pressure, masarap paminsan minsan pero nakakafrustrate kapag ganitong katagal na.
Magdadalawang linggo na ako dito sa Pinas, somehow, homesick parin ako. Siguro dahil wala ako masyadong pinagkaka-abalahan maliban sa pagligo, pagtulog, paghanap ng pagkain, at pagbasa ng blogs. Kanya nga pinipilit kong maging abala ngayon. Natutulog na ako ng mas mahaba at hindi na ako naghahanap ng pagkain. Masaya kasi hindi ko naiisip yong pagkalungkot kasi naliliban ang isip ko na nagugutom ako. Hindi ko narin inaasam ang masarap na pagkain, kuntento na ako basta may makain.
Ilang linggo pa ang bibilangin bago muling bumalik dito sa Pinas sila ermat at erpat. Ayako naman magbilang ng araw kaya oras na lang binibilang ko. Minsan nga naisip ko na sana hindi na lang ako marunong magbilang para hindi ko mabilang yong araw. Minsan parang ayaw ko narin matulog para hindi ko na bibilangin kung ilang tulog na lang. Pero mahina ang katawan ko, Pinahihina ng kakulangan ko sa pagkain at sobra sa puyat. Pero wala naman akong magawa.
Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang entry kong eto. O siya, ako’y manunuod muna ng Korean Drama. Ang gwapo kasi ng mga artista hahahaha….
p.s. maglalaba na pala ako ng brief ko, wala na kasi akong magamit bukas. Side B muna gamitin ko. hahaha
Comments
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.
ako rin inip na ako ..ilang linggo na lang kakain na naman ako ng kabsa.
Ganun yata talaga. masarap maging tambay ang ayoko lang ay ang kawalan ng salapi na panustos ko sa mga luho at bisyo. At least ako nasa bahay ng magulang ko kaya di ko problema ang labahin. malapit na nga yata ako makatikim ng sumbat, 2 months nang walang trabaho.
@teteng,
kilala ba kita? taga san ka sa MidEast? wow, enjoy the food habang meron hehe tumaas na nga pala ang kabsa at shawarma
@jeeper,
buti ka pa kasama mo magulang mo, kami hindi pero may allowance nga kami kaso mahirap parin pala ang walang helper.
ayos! ako sana after ng holy week meron na. hehe busy busyhan ako job hinting mode hehe.