Eksena Manila

Posted on May 1, 2008

Mahilig ka bang magyoutube? O kaya naman ay mangtrip? Yaong tamang trip lang ha. Malamang sa malamang ay alam mo na ngayon ang tungkol sa improv everywhere? Ang napakasikat na frozen grand central, o kaya naman ang foodcourt musical, pwede rin ang No pants. Siguro minsan naisip mo na sana meron nito sa Pinas, sa Manila. Kasi gusto mong maiba at gustong magpasaya at sumaya ang mga tao. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, eto na po ang Improv Everywhere Pinoy Style, EKSENA MANILA.

Ano ang Eksena Manila?


Eksena Manila ay isang grupo ng mga pinoy na ang layunin ay mangulit magpakulit at wala lang tamang trip. Formerly improv manila, pero ngayon dahil medyo marami rami na ang miyembre naisipan ng bawat isa na magkaroon ng pangalan na angkop sa panlasang pinoy at ayun! nabuo nga ang eksena manila.

First Mission(unofficial)

Bale ang first unofficial mission ng eksena manila ay ang freeze. Nakisabay ang eksena manila sa April fools day 1st world freeze. Successful naman ang mission considering na kokonte palang ang miyembro at medyo alam mo na. Kudos sa kanila.

First Mission: May Dumaang anghel

Bale ang first mission kung saan ay pinagmeetingan talaga. Pinamunuan ni Agent PJ ang discussion dahil sakanya nanggaling ang idea. Pinamagatang may dumaang anghel dahil everytime na dadaan si Agent PJ(anghel) magmumute or mawawalan ng sounds ang boses ng mga agents. I can see na very successful ang mission na eto. hindi lang ako nakapunta dahil maraming event na nangyari sakin nong day ng mission. eto ang vid…

Ano pang hinihintay mo?

Kung ang nais mo lang ay ang magpasaya at mangtrip at gumawa ng eksena at siyempre makabuo ng bagong mga kaibigan eh heto na ang hinahanap mo. Tiyak ako na mageenjoy ka.

Watch out for our next mission!!!

Eto ang links:

Local Groups Eksena Manila
EKSENA MANILA
Eksena Manila youtube

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

2 Comments so far
  1. bleue May 1, 2008 2:43 PM

    Yay, eksenador! sup? agen bleue here! hope to meet you sa mga scenes natin! :)

  2. staticblu3 May 1, 2008 3:24 PM

    hi agent bleue! same here… sana di na busy hehe