Damay Damay

Posted on May 7, 2008

Medyo naaasar ako ngayon sa mga pangyayari… Well, nahospital ang aking utol dahil hindi makahinga gawa ng nasobrahan sa alak at sa di pa malamang dahilan. Pero ok na siya ngayon. Ang nakakalungkot syempre damay damay na yan, bawal siya uminom bawal isoy syempre ako rin. Pero ewan ko mahirap ata yong ganun. Kapag nasimulan mo parang ang hirap tigilan. hay na lang…

Fuck… yan ang sabi ng aking propesor. As a matter of fuck para nga nyang sinasabi yan. In fuck, humigit sa 20 nong binilang ko. Ewan ko kung bakit ang pagbigkas niya ng fact ay fuck. Kung bakit ay hindi ko alam at wala na akong panahon para alamin pa.

Sa kabilang banda, everytime after ng break eh may mga questions na pampagising, o pampagising nga ba? Isa sa mga tanong ay pano kung nastranded ka sa isang isla, anong dalawang libro ang dadalhin mo? Syempre ang sagot ko ay ang bibliya, oo kahit papano may takot ako sa diyo. Di pala kahit papano, oo may takot ako sa diyos and I want to read the best book na naisulat sa buong daigdig. Syempre yong isa kung ano na lang pumasok sa isip ko. Gusto ko sana sabihin ang Harry potter pero parang boring yon sa isang island. So naisip ko ang tuesdays with morrie para medyo emo. haha. Natutuwa kasi ako don. Naisip ko rin ang five people you meet in heaven kaso naman huli na. Naisip ko kasi, habang binabasa ko yon ay maisip ko yong mga taong naging parte, o naging napakalaking impact na nangyari sa buhay ko. Yong tipong ewan. haha

Damay damay…

Sa school kapag recitation at kapag di naman formal masyado ang recitation madalas kapag wala kang maisagot ay sasabihin mo na lang na “ma’am same lang po ang sagot ko sa kanya” which i think na wala namang mali. Pano nga naman kung same thinking kayo at talaga yon ang gusto mo. Pero minsan nagiging excuse na lang eto. So damay damay na lang.

At bakit nga ba damay damay? Bawat nga ba isang galaw ko ay may damay na ibang galaw? Ang pag-ihi ko ba sa pader ay magcause ng kung ano pa mang disaster? Kapag tumae ba ako ng nakahiga magiging kami ni Maria sharapova? Ay ewan. Basta ang alam ko, damay damay na lang yan…

Damay na ako sa mga pinagbabawal dito sa bahay. Tapos…

Comments

Leave a Comment

If you would like to make a comment, please fill out the form below.

Name (required)

Email (required)

Website


Comments

2 Comments so far
  1. jeeper May 8, 2008 6:05 PM

    Naks… Bibliya. Di man ako relihiyos masarap sya basahin lalo na ang Old Testament, lalo na and Songs of Solomon. Hehehe.

    Ayoko rin ng recitation, training namin lagi kaming tinatawag. Ayoko talaga nagsasalita sa malaking grupo ng mga tao.

    At lahat naman talaga dugtong-dugtong sa ecosystem.

  2. staticblu3 May 8, 2008 7:19 PM

    oo nga masarap nga basahin.. di naman ako masyadong relihiyoso hehe…

    ewan ko ba pero pinakaayaw ko yan. at bakit pa kasi kelangan, tapos kapag mali ka e matatawa sila. tsk tsk..

    pero damay parin talaga ako haha…