Posted on September 18, 2008
Filed Under i Support!, kwentong nakakatuwa, pinoy blog | Leave a Comment
kanina habang nanonood ako ng kung ano man sa opisina may nagpop sakin, sabi “jong you’re so pogi talaga!” haha pero syempre imagination ko lang yon. Naexcite ako at na-arouse narin at the same time nung nabasa ko sa PM ni LA na isa daw sa finalist ang Eksena Manila sa categoryang best blog - videocast/podcast sa 2008 Philippine Blog Awards. Huwaw sabaw!
Sobrang exciting kasi…
1. Marami na uling nagbablog
2. nakakatuwa na uli magblog
3. nakaka-arouse magblog
4. at syempre may ichecheer na sa awards night kung sakali…
Gayunpaman, hindi ko alam kung mabibigyan ba ako ng e-ticket, e sa dinami-dami ng mga pinoy bloggers ngayon malamang sangkatutak ang emails na marereceive ng mga organizer. Pakinshet. Pero syempre nagdasal na ako sa iba’t ibang halaman at pati narin sa ninuno ko na sana bunutin nila ang aking pangalan para makapanood ng awards night.
Syempre kung makakanood ako, first time ko makakaattend ng ganitong kalaking event sa mundo ng showbiz! sosyal.. blog lang kaya!
Anyhow, suportahan natin ang pelikulang pilipino ngayong darating MMFA MFFA ewan. teka PWA pala as in Philippine Blog awards. Alam ko na magagaling ang mga pilipino pagdating sa pagsulat at sa kung ano pang larangan kaya dapat sinusuportahan ito. Okei?
O siya.. Goodluck sa mga finalists.!
Posted on September 15, 2008
Filed Under kapix mode, kwentong opis bukol | 2 Comments
Kasalukuyan akong nagbablog ngayon dito sa pwesto ko sa opis. Wala naman kasing ginagawa kasi wala ang mga ka-team ko sa kadahilanang martes hanggang sabado ang pasok nila. Walang task = petix.
Sa sitwasyon ko ngayon, halos tinatamad na ako. Nabisita ko na lahat ng pwedeng bisitahing site multiply, friendster, digg, gmail, google, yahoo, youtube at iba iba pang klaseng tube, pero syempre joke lang yon(mga ibang tube sites). Asa pa me na ma-open ko yon. Sa mga panahong ganito bumabalik sa akin ang pagbablog dahil narin siguro sa inspirasyong nakuha ko sa pagbabasa ng mga blog habang nag-uubos ng oras.
Malamang naranasan mo rin ito, ang ipagdasal na sana bumilis ang takbo ng oras. Sana ganitong oras na para makauwi na ako. Sana sweldo na para may pangchik. Sana sana sana. Madalas nangyayari ito kapag tigang ka na, yong tipong nananakit na yong pwitan mo sa kakaupo. Masakit na mata mo sa kakaantay. Ngawit narin ang mga kamay mo sa kaka-ano… type sa keyboard! At kapag sawa ka narin sa pagpunta sa atm at pagcheck kung may pera ka na ba.
Pero kabaligtaran din naman kapag may hinahabol tayo. Sana bumagal ang oras para mapasa on time ang project. Sana bumagal yong mama para matagal pa kaming magkasama. Sana sana sana. Nahihiling natin ito kapag dinadalaw ng katamaran at inuna ang kalibugan at pagpapasaya.
Ang labo no? Alam mo kung bakit? Ganun talaga kapag nagbablog ka sa opisina. Panay ang lingon mo sa katabi, nakikiramdam kung may nagbabasa o may sumusulyap sa pinagsasabi mong wala namang kwenta. Kaya ang di marunong lumingon… Tiyak mahuhuling nagbablog at bumibisita ng kung ano anong sites…
Kaya ikaw lumingon ka, baka makita ng boss mo ang blog ko… Ikaw rin!
Posted on September 4, 2008
Filed Under Daily Rants | 2 Comments
Sabi nila, para respetuhin ka kailangan marunong karin rumespeto ng kapwa.
Kanina, nagsagutan kami ng utol ko. Tipong hahantong na sa kurutan at sampalan este suntukan lang pala. Hindi ko na kayang magtimpi tuwing nakikita kong niloloko niya magulang namin. Oo, mas matanda siya sakin. Pero hindi porke mas matanda siya e tama siya. Kung mataas ang ihi niya mas mataas ang ihi ko.
Gustuhin ko mang respetuhin siya dahil mas nakakatanda siya, nahihirapan ako dahil alam kong hindi siya karespe-respeto. I know masama ako, pero mas masama siya.
Respeto ba hinihingi niya? Matuto siyang rumespeto lalo na sa magulang namin. Baw!
Hi! My name is Jong Abad. I was born on the 31st of December 1986 in Paranaque, Philippines.
Graduating Student of Mapua Institute of Technology taking up BS in Computer Science with the Specialization in Multimedia.
A month from now I'll be one of those unemployed citizen, Hopefully not!
More...