Register or
Welcome or tagline here. (not logged in)

Dec 30
Tuesday
Whaddup?, kwentong emo
Happy New year sakin!

Ako nitong 2008Last day na ngayon ng pagiging 21 anyos ko. Bukas panibagong taon at panibagong pagsubok nanaman. At sa susunod na araw bagong taon na talaga para sa ating lahat.

Noon naisip ko na ang pangit ng petsa ng kaarawan ko. Biruin mo, mga tita and tito pati narin ang ninong at ninang (kung meron pang natira) ay pinag-iisa na lang ang regalo para sa kaarawan ko at sa pasko. Ang sama diba, Di ko man lang maenjoy ang pagbukas ng regalo dalawang beses sa isang taon.

Pero syempre dahil matanda na ako, masaya narin ako sa ganitong kalagayan. Pakiramdam ko bagong taon talaga mas bata ako ng konte sa mga kataon ko ipinanganak. At syempre bagong taon talaga at bagong edad pagpasok ng bagong taon. Di ko na inaantay ang pagbubukas ng mga regalo, masaya na ako basta’t masaya ang mga taong nakapaligid sa akin.

Nakakatuwa at nakakalungkot rin kahit papaano tuwing lumilingon ako at binabalik-balikan ang taong 2008. Masaya dahil syempre maraming bagay ang nangyari sa akin ngayon. Nakauwi ako ng pinas at natupad ang pangarap ko na makapasok sa isang IT company bilang isang java developer. Masaya lalo na nong malaman kong nakapasa ako sa training at syempre mas masaya mula noong maregular ako nitong buwan lang. Masaya ako at kahit sa maliit na paraan man lamang ay nakakatulong ako sa magulang at pamilya ko at syempre pati narin sa mga kaibigan at mahal ko sa buhay.

Masaya ako dahil marami akong nakilalang bagong kaibigan na alam kong itatago ko at ipagmamalaki na naging kaibigan ko sila.

Rix, Sir Raul, Mhel, Ako

si Sir Raul na siyang naging inspiration at nagturo samin kung pano humarap at makisalamuha sa mga katrabaho at siya ring naging gabay nong baguhan palang kami sa trabaho.

Dane's Last day in GXS

Si rix at mhel na naging co-trainee ko at naging kaibigan hanggang sa ngayon. Si dane, na siyang naging impluwensya sa opisina hehe. at si vin na ngayo’y hingian namin ng tulong.

Halloween

Si Mae na tagaturo rin namin at kasabay sa sa pagmerienda.

si issa(OJT)

Si issa na nagOJT samin at naging parte rin ng team nung trainee rin kami.

Syempre pati narin si nina at si nico na lunchmate namin. :D sayang walang picture.

Masaya rin ako dahil patuloy parin na matatag ang samahan naming mga magkakaibigan.

IPSA '03 - Christmas Parteh 2008

Ang aking high school batch na hanggang ngayon ay puro high school parin ang kwentuhan. Masaya ako at nakilala ko kayo.

Mapua ComSci 03 - 2008 reunion

Mga college friends lalo na ang hay naku at ang mga kakurso ko batch 2003 sa Mapua.

Syempre hindi mawawala ang lungkot. Nalulungkot ako dahil hindi ko nagawang sundin ang gusto para sakin ng mga magulang ko, ang magtrabaho ako sa abroad. Noong umuwi ako, sobrang nalungkot ako at namiss ko ang buhay sa Saudi kasama ng aking mga magulang. Pero syempre tapos na yon, wala na akong dapat pang ikalungkot.

Hinihiling ko lang sa aking kaarawan na sana ay maging masagana ang aking taon gayun narin ng aking pamilya. Maraming biyaya ang darating, syempre maraming biyaya marami ring matutulungan. Syempre sana maraming trabaho para mas masaya at magkaroon  ng magandang experience. Syempre di lang dapat magandang experience dapat magandang performance.

Pero syempre hindi lahat ng ito ay matutupad kung hindi ako gagawa ng paraan at hihingi ng tulong sa ating Diyos. Dba?

O siya. maligayang kaarawan sa akin…

Masayang Masaya ako :D

Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa ating lahat!!!

Kampay para sa darating na bagong Taon!

WOOT!!!



If you enjoyed the article, why not subscribe?

Post Tags

Related Post

  • No Related Post


4 Responses to “ Happy New year sakin! ”

  1. Double celebration pala sa inyo, dapat twin party at times two ang regalo,haha…

    Happy New Year at Happy Birthday na din!

    myphemaster

  2. haha, oo nga. kaso walang times two na regalo e. as one lang talaga.. hehe

    Salamat salamat.

    Salamat rin sa pagpunta sa aking munting blog :d

  3. yow! wata History!

  4. –gaLing muh nmn mg-construct ng articLe..!! png-fEature ahh..??? cute muh dn..!! in fairness.. crush nah kta..!! meh gnon..??? haha..

    –auz ahh..??? new yir nah bertdei pah.,…

    –gueh… kipseif..!!]

    xp


Post a Comment