About
Ang StaticBlue Creations - Experimental ay blog ni Jong Abad. Dito isinusulat niya ang mga bagay bagay na pumapasok sa kanyang isipan. Minsan kahit ano na lang ang pumasok at kahit walang kwenta ay binibigyan halaga. Pilit na binubusisi ang maliliit na bagay at wala lang.
Nabuo ang StaticBlue noong siya ay nasa Kahiran ng Saudi habang nasa kanyang kwarto at nag-iisip at gumagawa ng design para sa kanyang website. Simula noon, nakagawian ng gamitin ang pangalan na ito at sawakas ay nakabili rin ng sariling domain, ang staticbluecreations.com.
Sa ngayon ang staticbluecreations ay nagsisilbing labasan ng mga naiisip ng isang estudyanteng magulo ang utak dahil sa pinasok na kolokohan, ang pag-aaral. Ang main page ay kasalukuyang under construction kaya lang nakaleave yata ang gumagawa kaya hindi na natapos.
Kung may katanungan pa tungkol sa blog na ito ay ipag-alam lang sa aming tanggapan dito sa may bahay. Sisiguraduhin po naming maging konpidensyal ang mga mangyayari. haha