Posted on March 15, 2007
Filed Under Daily Rants, itanong kay kuya | 2 Comments
kuya,
Ano ba talaga ang tagalog ng Teacher? Guro ba o Titser? Hindi kasi ako mapalagay nung nakita ko sa TV ang ganitong kataga “Tribute para sa mga Titser”. Teka ano nga po pala ang tagalog ng Television? Telebisyon po ba o kung ano man yon?
Hindi parin ako mapalagay kung bakit kailangan gamitin ang titser eh pwede namang gamitin ang guro. Mas kaaya-aya pang pakinggang “Tribute para sa mga guro”. Teka ano ba ang tagalog ng tribute. Parangal ba o handog? Siguro mas mainam na gamitin ang parangal tulad nito “Parangal para sa mga guro”. O dba?
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit maging ang media eh gumamit ng ganitong uri ng mga salita. Pati tuloy ako napapagaya na. Kung ingles, ingles na lang. Kung tagalog, sige tagalog. Mas magandang pakinggang, mas kaaya-aya. Yan tuloy, mga kabataan ngayon hindi narin natin maintindihan.
Nagmamahal,
jong
Titser sa skul
Hi! My name is Jong Abad. I was born on the 31st of December 1986 in Paranaque, Philippines.
Graduating Student of Mapua Institute of Technology taking up BS in Computer Science with the Specialization in Multimedia.
A month from now I'll be one of those unemployed citizen, Hopefully not!
More...