Monday
24 Oras
24 oras! Dahil hindi natutulog si Jong!

24 oras na lang at babalik na ako sa Pinas. As of writing this entry eh sakto 24 hours ayon sa aking PC clock. 0055 KSA time Feb 26, 2008 ang balik ko sa Pinas galing sa Paliparan ni King Khalid lulan ng eroplano ng Saudia. hehe
After almost 5 months, sawakas!
Wala lang. Medyo nalulungkot ako kasi mamimiss ko ang shawarma pati narin ang kabsa. At syempre mamimiss ko ang mga magulang ko pati narin ang aking bagong friends. Pero wala akong magagawa, siguro may inihahanda pang mas maganda sa akin ang diyos. Ewan ko, sinabi ko rin ito nung papunta ako rito. Pero naging hindi maganda ang pakitutungo ng bansang ito (Saudi) sa akin. Di tulad sa pinas na binibigyan ng importansya ang mga walang experience sa trabaho, dito kelangan nila ang may 2 years experience at ang training ay para lang sa mga kalahi nila because of the Saudization na sa palagay ko eh aabutin pa ng panahon ni kopong kopong bago maisapatupad.
Babalik ako sa Pinas hindi dahil sa nabigo ako dito, ngunit sa dahilan na may mas magandang oportunidad (sa aking palagay) sa bansa natin para sa mga katulad kong bagong graduate. At isa pa, ayokong habang buhay na lamang akong umaasa sa aking magulang. Hindi naman sa ayaw ko ng nakakatulong sila, pero I think it’s about time na matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Gusto ko namang makamit ang tagumpay. Gusto kong makapasok ng trabaho ng ako yong naglakad hindi dahil sa may backer ako. Ayoko non.
Kinakabahan ako at natatakot sa mga maaaring mangyari sa pinas. Sa mga bagong haharaping job interviews at sa mga pagsubok. Kinakabahan ako na baka sa paggising ko ay hanapin ko ang masarap na pagkain na luto ni mama. Baka matambakan ako ng damit na marumi. Hindi na yata ako sanay na may kasama sa kwarto.
Basta ang dami kong pinangangamba. Pero masaya ako kasi malaya na akong makakapagpasa ng resume ng walang alinlangan at walang hinihintay na go signal sa tatay ko. Makakasama ko narin ang aking friends na sabik na sabik kong makakwentuhan. Syempre ang aming asong si tiny na nakalimutan kong bilihan ng dog food haha. Mga kapatid kong pasaway pero namimiss ko sila. At syempre ang aking mga fans.
This is it! Ano nanaman kaya ang bagong naghihintay sa akin?
Ikaw, anong plano mo sa buhay? Habang buhay ka bang nasa Pinas? o habang buhay kang tatambay? Magbagong buhay na kayo mga tsong! hehe
Good bye Saudi. Sana hindi ito ang huli kong pagblog dito sa Saudi.
—————————-
The 70-270 exams can be useful for you if you want to prove you talent in communication and in mobility and one similar exam are 70-291 exams. Whatever the test you are taking like 646-204 exams or some other for example 70-649, you can get practice test from some online websites. For securing your future in Building Scalable Cisco Internetworks, the best option for you is to go for 642-901 certifications.
All entries filed under kwentong Disyerto
2 responses - Posted 02.20.08
Mahigit isang lingo na ng maging tama lang ang temperatura. Sa hapon mahangin pero di malamig, sa gabi naman mahangin rin pero tamang tama lang ang lamig. Di tulad ng mga nakaraang lingo na halos bumaba hanggang zero ang temperatura minsan nagnegative pa.
Naninibago ako dito sa Riyadh dahil sa klima. Sa alkhobar kasi, mula November [...]
5 responses - Posted 02.16.08
Nung balentyms day natulog ako maghapon, kasi trip ko lang. Kesa naman magemote ako at magpakasasa sa pakikinig ng malulungkot na kanta e minabuti kong mahimlay na lang sa himlayan ng mga batugan. At bakit nagloloko ang period key.
Ginising ako ni mama(basahin mo ng sosyal, mama hindi ma-ma, dapat mabilis - mama!) dahil may bibisitahin [...]
1 response - Posted 02.14.08
Pakshet talaga, hindi na ako makatulog. Nagising kasi ako ng 11pm, at kamusta naman 4:30am Saudi time.
Siguro hindi ako makatulog dahil balentayms na. Ewan ko, naalala ko lang kasi yong napakasayang araw last year. Nakaupo ako sa makipot na upuan sa harap ng isang napakagandang bagay. Tinitigan ang bagay na yon. Pinagmasdang muli. Tandang [...]
no responses - Posted 02.12.08
Siguro kung tubig ako, matagal na akong pinamamahayan ng mga lamok. At malamang sa malamang, marami ng taong nakapaligid sa akin ang naiirita o kaya naman e na-dengue. Pero hindi ako tubig, kahoy ako! kahoy!
Ang hirap pala maging tambay, sa una lang masarap. Ang sarap ng pakiramdam kapag nagpapakasaya ka, parang wala ng bukas. [...]