Posted on March 10, 2008
Filed Under kwentong emo, kwentong tambay | 3 Comments
Mag 6PM na ako nagising kanina, galing kasi ako sa session kaya inumaga ako ng uwi. Nagising ako kasi nagring ang talepono ko, tumatawag si mama. Medyo hindi naging maganda yong naging pag-uusap namin. Nasungitan ko kasi si mama.
Sa totoo lang hanggang ngayon nakokonsensya parin ako dahil ganun yong nangyari. Minsan na nga lang tumawag, nasungitan ko pa. Siguro dahil talagang masakit pa ang ulo ko nung tumawag siya, at lalong sumakit ang ulo ko ng tanungin ako tungkol sa mga inaapplyan kong trabaho. Nararamdaman ko nanaman ang pressure, masarap paminsan minsan pero nakakafrustrate kapag ganitong katagal na.
Magdadalawang linggo na ako dito sa Pinas, somehow, homesick parin ako. Siguro dahil wala ako masyadong pinagkaka-abalahan maliban sa pagligo, pagtulog, paghanap ng pagkain, at pagbasa ng blogs. Kanya nga pinipilit kong maging abala ngayon. Natutulog na ako ng mas mahaba at hindi na ako naghahanap ng pagkain. Masaya kasi hindi ko naiisip yong pagkalungkot kasi naliliban ang isip ko na nagugutom ako. Hindi ko narin inaasam ang masarap na pagkain, kuntento na ako basta may makain.
Ilang linggo pa ang bibilangin bago muling bumalik dito sa Pinas sila ermat at erpat. Ayako naman magbilang ng araw kaya oras na lang binibilang ko. Minsan nga naisip ko na sana hindi na lang ako marunong magbilang para hindi ko mabilang yong araw. Minsan parang ayaw ko narin matulog para hindi ko na bibilangin kung ilang tulog na lang. Pero mahina ang katawan ko, Pinahihina ng kakulangan ko sa pagkain at sobra sa puyat. Pero wala naman akong magawa.
Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang entry kong eto. O siya, ako’y manunuod muna ng Korean Drama. Ang gwapo kasi ng mga artista hahahaha….
p.s. maglalaba na pala ako ng brief ko, wala na kasi akong magamit bukas. Side B muna gamitin ko. hahaha
Posted on February 14, 2008
Filed Under Kwentong sawi, kwentong Disyerto, kwentong emo, kwentong pag-ibig, kwentong tambay | 1 Comment
Pakshet talaga, hindi na ako makatulog. Nagising kasi ako ng 11pm, at kamusta naman 4:30am Saudi time.
Siguro hindi ako makatulog dahil balentayms na. Ewan ko, naalala ko lang kasi yong napakasayang araw last year. Nakaupo ako sa makipot na upuan sa harap ng isang napakagandang bagay. Tinitigan ang bagay na yon. Pinagmasdang muli. Tandang tanda ko pa ang hirap na dinanas ko ng araw na yon. Pamula umaga hanggang tanghali, boses ng babae ang naririnig at nagbibigay ng instruction. Kasabay ng iba pang applikante, sabay sabay naming sinagutan ang exam.
Paglabas ko sa building sa may Ortigas, napansin ko ang mga ngiti ng naglalakad na mga tao HHWW at HHWWPSSP. Habang ang karamihan ay nakasuot ng pula at may hawak ng bulaklak, ako nama’y nakasuot ng green para maiba naman. Di ko maiwasang mapaisip at di ko ring maiwasang di malungkot.
Isang taon na pala yon, wala parin akong trabaho. hahaha
Hi! My name is Jong Abad. I was born on the 31st of December 1986 in Paranaque, Philippines.
Graduating Student of Mapua Institute of Technology taking up BS in Computer Science with the Specialization in Multimedia.
A month from now I'll be one of those unemployed citizen, Hopefully not!
More...