Posted on May 7, 2008
Filed Under kwentong nakakaasar, kwentong tambay | 2 Comments
Medyo naaasar ako ngayon sa mga pangyayari… Well, nahospital ang aking utol dahil hindi makahinga gawa ng nasobrahan sa alak at sa di pa malamang dahilan. Pero ok na siya ngayon. Ang nakakalungkot syempre damay damay na yan, bawal siya uminom bawal isoy syempre ako rin. Pero ewan ko mahirap ata yong ganun. Kapag nasimulan mo parang ang hirap tigilan. hay na lang…
Fuck… yan ang sabi ng aking propesor. As a matter of fuck para nga nyang sinasabi yan. In fuck, humigit sa 20 nong binilang ko. Ewan ko kung bakit ang pagbigkas niya ng fact ay fuck. Kung bakit ay hindi ko alam at wala na akong panahon para alamin pa.
Sa kabilang banda, everytime after ng break eh may mga questions na pampagising, o pampagising nga ba? Isa sa mga tanong ay pano kung nastranded ka sa isang isla, anong dalawang libro ang dadalhin mo? Syempre ang sagot ko ay ang bibliya, oo kahit papano may takot ako sa diyo. Di pala kahit papano, oo may takot ako sa diyos and I want to read the best book na naisulat sa buong daigdig. Syempre yong isa kung ano na lang pumasok sa isip ko. Gusto ko sana sabihin ang Harry potter pero parang boring yon sa isang island. So naisip ko ang tuesdays with morrie para medyo emo. haha. Natutuwa kasi ako don. Naisip ko rin ang five people you meet in heaven kaso naman huli na. Naisip ko kasi, habang binabasa ko yon ay maisip ko yong mga taong naging parte, o naging napakalaking impact na nangyari sa buhay ko. Yong tipong ewan. haha
Damay damay…
Sa school kapag recitation at kapag di naman formal masyado ang recitation madalas kapag wala kang maisagot ay sasabihin mo na lang na “ma’am same lang po ang sagot ko sa kanya” which i think na wala namang mali. Pano nga naman kung same thinking kayo at talaga yon ang gusto mo. Pero minsan nagiging excuse na lang eto. So damay damay na lang.
At bakit nga ba damay damay? Bawat nga ba isang galaw ko ay may damay na ibang galaw? Ang pag-ihi ko ba sa pader ay magcause ng kung ano pa mang disaster? Kapag tumae ba ako ng nakahiga magiging kami ni Maria sharapova? Ay ewan. Basta ang alam ko, damay damay na lang yan…
Damay na ako sa mga pinagbabawal dito sa bahay. Tapos…
Posted on May 3, 2008
Filed Under kwentong nakakaasar, kwentong nakakatawa | Leave a Comment
Nakakaasar kasi biglang naulan. Tuloy pa kaya ang fireworks sa esplanade MOA? Ngayon kasi ang start ng 3rd World pyrolympics.
Nakakatawa kasi…
haha natatawa ako sa mga maagang nagpunta at excited masyado. Ayan tuloy naulan!!!
Posted on March 4, 2008
Filed Under kwentong nakakaasar, kwentong tambay | 7 Comments
Ang hirap talaga ng buhay dito sa Pinas lalo na kapag malayo sa yo magulang mo. Mahirap rin lalo na kapag wala kayong helper sa bahay. Umalis na kasi yong tita ko na siyang helper namin, nagpunta siya ng Malaysia. Mula noon, kanya kanya na dito sa bahay. Kanya kanyang laba, linis, hugas, at kain. Animo’y di magkakakilala. Masaklap lalo na’t nasanay ako ng gigising na lang sa umaga o tanghali at handa ng pagkain, Malinis narin ang mga damit at itutupi na lang.
kagabi nanakit ang katawan ko, naglaba kasi ako ng mga damit ko. Siguro huling beses na naglaba ako ng ganun karami at nung high school ako, well hindi naman marami kasi puro pantalon lang nilalaba ko dati. Pero kagabi, kelangan i-hiwalay ang puti at de-kolor. Though may washing machine, mahirap parin kasi di automatic at walang hose kaya ang hirap magbuhat ng timba.
Isa naman sa ayaw kong nangyayari araw araw ang pagkain. Ewan ko, walang magaling magluto samin o baka mga tamad lang. Nasanay kasi ng may taga-luto, ayun bili nalang sa labas. Araw araw ganon, nakakasawa. Ngayon, dahil hindi ako binilhan ng utol ko ng pagkain at sarili niya lang binilhan nya, minabuti ko na lamang mag-oder ng Mcdo.
Dahil estilong makaluma na ang aming pamumuhay, walang TV at walang telepono, Sinubukan kong muli ang 8mcdo.com. Nagorder ako ng isang BigMac Meal Upsize at isang McFlurry Oreo, 165 na ang minimum kaya nagorder pa ako ng McFlurry. Send! Nasend ang request ko. Akala ko ayaw tumawag kasi celfon nilagay ko. After 15 minutes of waiting, tumawag. “Hello Sir, McDo po ito, Coconfirm ko lang order nyo” blah blah blah.
Sawakas makakain na ako. Yan ang silbi ng teknolohiya, para sa mga tamad at nagtatamadtamaran. Well, paminsan minsan maganda rin yan.
Teka, ang tagal ng order ko.
Update: Ang bilis ng order, i mean tama lang. Tinignan ko kasi yong received call, 3:10pm nandun, Tapos ngayon 3:42 kumakain na ako. Heheh
Posted on February 16, 2008
Filed Under kwentong Disyerto, kwentong nakakaasar, kwentong nakakatuwa | 5 Comments
Nung balentyms day natulog ako maghapon, kasi trip ko lang. Kesa naman magemote ako at magpakasasa sa pakikinig ng malulungkot na kanta e minabuti kong mahimlay na lang sa himlayan ng mga batugan. At bakit nagloloko ang period key.
Ginising ako ni mama(basahin mo ng sosyal, mama hindi ma-ma, dapat mabilis - mama!) dahil may bibisitahin kami sa ospital. Ang saya diba, balentayms sa ospital. Pero bago ako naghanda para umalis, nag-internet muna ako pero pakshet wala palang internet. Akala ko down lang o kaya naman kailangan i-reset ang router eh wala sakin yon kasi linta kami. So pinatay ko na lang at naligo. Umalis na kami.
Excited akong umuwi para mag-internet kasi nga trip ko lang. Ayun! wala parin! May option na na diagnose sa windows vista kaya malalaman mo kung ano problema. Di raw nagmatch ang password. Inulit ulit ko pero nabigo lang ako. Pakshet! Madamot, di na tayo bati.
Siguro, napansin nya na marami na siyang kahati sa mabagal niyang internet connection. Eh dito palang sa flat namin dalawa na ang gumagamit tapos minsan tatlo pa, tapos sa rooftop may isa pa plus siya mismo. Kulang kulang 4 ang naghahati sa connection.
Sana matauhan siya, kundi papaalisin namin siya dito sa building haha. Baka hindi niya alam, kanang kamay ni baba(may-ari ng building) ang tatay ko. Haha
Teka, sa ngayon nakikikonek lang ako sa ligaw na koneksyon at baka mawala narin ‘to. Sa totoo lang, bumangon talaga ako kasi naramdaman ko na makakakonek ako, at eto nga. Ang galing ko talaga, siguro dahil narin sa malaki kong tenga at nakakasagap ako ng pambihirang ewan.
O siya, bago pa mawala ang aking presensya sa mundo ng showbiz, i papublish ko na eto.
later!
Hi! My name is Jong Abad. I was born on the 31st of December 1986 in Paranaque, Philippines.
Graduating Student of Mapua Institute of Technology taking up BS in Computer Science with the Specialization in Multimedia.
A month from now I'll be one of those unemployed citizen, Hopefully not!
More...