Posted on May 1, 2008
Filed Under kwentong nakakatawa, kwentong nakakatuwa, misadventures | Leave a Comment
Ang lahat ng ito ay nangyari sa loob ng iisang araw lang. Kahapon to actually kaya medyo fresh na fresh pa. hehe
Wednesday morning, Woke up around 7am. Medyo nalate kasi ako ng tulog kaya late rin ang gising ko. EH 8am ang pasok ko, kaya yon sobrang nagmamadali ako. Buti na lang wala akong nakalimutang gawin. Medyo naunahan rin ako sa CR ng mga tao kasi nga flight ng dad ko so ihahatid nila siya.
mga 10 minutes before mag-8am e tumatakbo na ako at hinahabol ang mga dumadaan jeep. Ewan ko kung bakit wala masyadong jeep that time at medyo masikip ang daloy ng trapiko sa may bandang EDSA. Buti na lang nakasakay ako, pero hinabol ko yon jeep.
Nakita ko yong co-trainee ko sa jeep, mas malas pa pala siya kasi more than ten minutes na daw silang nakahinto at naghihintay ng pasahero. SO nauna na ang jeep na kung san ako nakasakay. Pababa na ako pero wala parin yong jeep na sinasakyan niya.
Bago ako dumirecho ng training, kelangan ko muna dumaan sa shell para bumili ng tubig at kendi. Mahal kasi tubig sa loob at walang kendi. Pakshet ang cashier. Ang bagal kumilos at parang walang mga naghihintay na magbabayad. Lumingon ako at nakita ko si co-trainee. Haha nagmamadali kasi late na, ako naman natataranta kasi sa katagalan ng cashier, ayon naunahan na ako ni cotrainee. Halos one minute lang ang pagitan ng log in time namin hehe. Para kasi akong nagwalkathon. Wala ng pakialamanan kapag late. hehe
Pagpasok ko sa room, sinabi sakin ni co-trainee2 na may exam. Scan lang ng notes at exam na agad. Surprisingly e mataas nakuha ko sa exam.
Around 10am binigay na ang aming machine problem for the day. Gagawa ng Online music database na may modules na add, list items, search, edit and delete. Simple lang pero hindi ko natapos. kulang pa ako ng edit and delete functions. Sa kalagitnaan ng pagcode ko, pinuntahan ako ng instructor namin. May kulang raw akong machine problem. Alam ko meron pero isa lang, pero nakalagay don dalawa. So sinabi ko meron ako non, which is true naman actually pati nga yong isa meron din kaso di ko napacheck.
Medyo tahimik ako that day kasi wala si cotrainee3 and cotrainee4, graduation kasi nila. fast forward sa uwian, hinintay ko si cotrainee1 para may kasabay akong umuwi. Ayon ang kaso, natuloy rin siyang sumama sa iba naming katraining from different company so mag-isa rin akong umuwi.
Pero ayos lang yon at mas marami pa akong naexperience.
Hindi ako binaba ng manong sa may babaan, in short ang layo ng binabaan ko.
Nakipagpatintero ako sa kamatayang naghihintay sa EDSA, pero syempre marami akong kasabay.
Yong taong grasa inambahan ako at sinabing “Sige subukan mong dikitan ako”.
Binunggo ako ng nagbibisekleta, pero di sadya nagmamadali kasi lahat ng tumatawid.
Parang nagmamadali lahat ng tao at parang lahat gustong gusto ng umuwi. Pakiramdam ko nga parang may kung ano mang eksena ang nangyayari.
Sawakas around 6:30pm e nasa bahay na ako. Nood konte tapos kain. Dumating na si pareng antok at syempre sinamahan ko na siya sa pagtulog. For the first time since nagtraining ako. ngayon ko lang naranasan muli ang makatulog ng sakto sa oras. Tama lang naman halos 10 hours din yon, kaso nahilo yata ako sa sobrang tulog.
Syempre walang pasok ngayon kaya nakakapagblog ako. Wala rin si papa kasi nasa saudi na siya sa mga panahon ngayon. Wala rin ang utol kong lalake kasi may training sa call center. Yong panganay kong ate may pasok rin. Yong nanay ko kasama ni ate at ng aming pamangkin ay nasa san miguel by the bay.
Naisip ko lang, grabe na ba talaga ang hirap sa Pilipinas na pati ang May one o labor day e pinapatulan na ng mga nagtatrabaho. Na kung sana ay nasa bahay sila at nag-eenjoy kasama ng kanikaniyang mga pamilya at mag-anak. pero wala tayong magagawa, ganun talaga, mageenjoy ka ba kung walang pera?hehe
Posted on April 20, 2008
Filed Under kwentong nakakatuwa, misadventures | 2 Comments
Noong bata pa ako, bata parin naman ako ngayon, takot na takot ako ng magbiyahe mag-isa. Kahit na isang traysikel lang mula school hangang bahay e hindi ko talaga kaya, kaya kailangan ko pang maghintay ng kasabay. Hindi ko alam kung bakit pero nong bata ako eh ang daming kumakalat na mga balibalita na nangunguha ng bata etc so natatak na sa isipan ko yon kaya siguro nagkaganon ako.
First year college narin ako nakasakay ng jeep mag-isa. Di naman kasi ako naghigh school dito kaya di ko naranasan ang mga ganun. Medyo takot pa nga ako na baka maligaw ako o kung ano man ang mangyari.
Kanina pauwi na kami galing ng Cavite, actually isang traysikel na lang hanggang bahay, may dalawang batang nasa 6 ang edad ang sumakay sa traysikel. Medyo kastreet ko sila, kaya nakasabay kami dun. Todo sa interview ang manong tsuper.
tsuper: san kayo galing?
dalawang bata: nagbiyahe.
t: san nga?
db: sa electric po.
t: sino kasama nyo?
db: kami lang po.
ako: san po yong electric? hehehe
t: sa baclaran
Nakauwi naman sila ng bahay nila, natutuwa lang ako dahil from baclaran e dalawang sakay pa papasok samin. Ang swerte naman ng mga magulang nong batang yong, dahil kapag nawala anak nila e malakas ang loob at alam nila gagawin nila. Pero sa pag-iisip ko, hindi nga kaya naiwan ang dalawang batang yon? O baka may nagtrip lang samin? haha. Kung ano man yon, ayos sila! haha
Posted on March 27, 2008
Filed Under kwentong nakakatuwa, kwentong tambay | 3 Comments
Noong isang gabi naramdaman ko ang napakalupit na karanasan sa aking buhay. Yong tipong kahit pagtanda mo na eh hinding hindi mo malilimutan. Eto ang kwento ng aking unang karanasan…
Dumaan kami sa isang bahay sakay ng aming kotse hinihintay ang alam mo na. Lumabas ang isang lalake at nakipagdiskusyon sa akin at mangilang saglit lang ay nasa sasakyan na yong aming pinagusapan.
Fast forward…
Ang sarap, napakainit pala ng pakiramdam. Dumarating yong puntong pinag-papawisan ka na at di makahinga pero sige tuloy parin. Ilang minuto ang lumipas, tuloy tuloy parin ang paglasap ng kakaibang karanasan. Ngunit di nagtagal, napagod ako at pinagpawisan at di narin nagtagal at pumutok na aking pinakatago-tagong init sa katawan.
Napakamemorable ng araw na yon para sa akin. Hindi ko talaga makakalimutan. Sa totoo nga tinago ko pa ang mga ginamit ko nong araw na yon. Andito parin ang tinidor pati narin yong plastic cup ng pinakamasarap na JJAMPONG.
Posted on March 6, 2008
Filed Under kwentong nakakatawa, kwentong nakakatuwa | 9 Comments
Pauwi na ako kanina galing sa kung saang lupalop ng Metro Manila nang biglang may lumapit sa aking musmos.
Batang lalake: Kuya pengeng barya
Ako: wala akong barya.
BL: Bakit kay may Jollibee?
Natawa na lang ako at binigyan ko na siya ng barya. Natawa ako dahil hindi Jollibee ang hawak ko, Chowking po! Chowking!
Posted on February 16, 2008
Filed Under kwentong Disyerto, kwentong nakakaasar, kwentong nakakatuwa | 5 Comments
Nung balentyms day natulog ako maghapon, kasi trip ko lang. Kesa naman magemote ako at magpakasasa sa pakikinig ng malulungkot na kanta e minabuti kong mahimlay na lang sa himlayan ng mga batugan. At bakit nagloloko ang period key.
Ginising ako ni mama(basahin mo ng sosyal, mama hindi ma-ma, dapat mabilis - mama!) dahil may bibisitahin kami sa ospital. Ang saya diba, balentayms sa ospital. Pero bago ako naghanda para umalis, nag-internet muna ako pero pakshet wala palang internet. Akala ko down lang o kaya naman kailangan i-reset ang router eh wala sakin yon kasi linta kami. So pinatay ko na lang at naligo. Umalis na kami.
Excited akong umuwi para mag-internet kasi nga trip ko lang. Ayun! wala parin! May option na na diagnose sa windows vista kaya malalaman mo kung ano problema. Di raw nagmatch ang password. Inulit ulit ko pero nabigo lang ako. Pakshet! Madamot, di na tayo bati.
Siguro, napansin nya na marami na siyang kahati sa mabagal niyang internet connection. Eh dito palang sa flat namin dalawa na ang gumagamit tapos minsan tatlo pa, tapos sa rooftop may isa pa plus siya mismo. Kulang kulang 4 ang naghahati sa connection.
Sana matauhan siya, kundi papaalisin namin siya dito sa building haha. Baka hindi niya alam, kanang kamay ni baba(may-ari ng building) ang tatay ko. Haha
Teka, sa ngayon nakikikonek lang ako sa ligaw na koneksyon at baka mawala narin ‘to. Sa totoo lang, bumangon talaga ako kasi naramdaman ko na makakakonek ako, at eto nga. Ang galing ko talaga, siguro dahil narin sa malaki kong tenga at nakakasagap ako ng pambihirang ewan.
O siya, bago pa mawala ang aking presensya sa mundo ng showbiz, i papublish ko na eto.
later!
Hi! My name is Jong Abad. I was born on the 31st of December 1986 in Paranaque, Philippines.
Graduating Student of Mapua Institute of Technology taking up BS in Computer Science with the Specialization in Multimedia.
A month from now I'll be one of those unemployed citizen, Hopefully not!
More...