Damay Damay

Posted on May 7, 2008
Filed Under kwentong nakakaasar, kwentong tambay | 2 Comments

Medyo naaasar ako ngayon sa mga pangyayari… Well, nahospital ang aking utol dahil hindi makahinga gawa ng nasobrahan sa alak at sa di pa malamang dahilan. Pero ok na siya ngayon. Ang nakakalungkot syempre damay damay na yan, bawal siya uminom bawal isoy syempre ako rin. Pero ewan ko mahirap ata yong ganun. Kapag nasimulan mo parang ang hirap tigilan. hay na lang…

Fuck… yan ang sabi ng aking propesor. As a matter of fuck para nga nyang sinasabi yan. In fuck, humigit sa 20 nong binilang ko. Ewan ko kung bakit ang pagbigkas niya ng fact ay fuck. Kung bakit ay hindi ko alam at wala na akong panahon para alamin pa.

Sa kabilang banda, everytime after ng break eh may mga questions na pampagising, o pampagising nga ba? Isa sa mga tanong ay pano kung nastranded ka sa isang isla, anong dalawang libro ang dadalhin mo? Syempre ang sagot ko ay ang bibliya, oo kahit papano may takot ako sa diyo. Di pala kahit papano, oo may takot ako sa diyos and I want to read the best book na naisulat sa buong daigdig. Syempre yong isa kung ano na lang pumasok sa isip ko. Gusto ko sana sabihin ang Harry potter pero parang boring yon sa isang island. So naisip ko ang tuesdays with morrie para medyo emo. haha. Natutuwa kasi ako don. Naisip ko rin ang five people you meet in heaven kaso naman huli na. Naisip ko kasi, habang binabasa ko yon ay maisip ko yong mga taong naging parte, o naging napakalaking impact na nangyari sa buhay ko. Yong tipong ewan. haha

Damay damay…

Sa school kapag recitation at kapag di naman formal masyado ang recitation madalas kapag wala kang maisagot ay sasabihin mo na lang na “ma’am same lang po ang sagot ko sa kanya” which i think na wala namang mali. Pano nga naman kung same thinking kayo at talaga yon ang gusto mo. Pero minsan nagiging excuse na lang eto. So damay damay na lang.

At bakit nga ba damay damay? Bawat nga ba isang galaw ko ay may damay na ibang galaw? Ang pag-ihi ko ba sa pader ay magcause ng kung ano pa mang disaster? Kapag tumae ba ako ng nakahiga magiging kami ni Maria sharapova? Ay ewan. Basta ang alam ko, damay damay na lang yan…

Damay na ako sa mga pinagbabawal dito sa bahay. Tapos…

First time

Posted on March 27, 2008
Filed Under kwentong nakakatuwa, kwentong tambay | 3 Comments

Noong isang gabi naramdaman ko ang napakalupit na karanasan sa aking buhay. Yong tipong kahit pagtanda mo na eh hinding hindi mo malilimutan. Eto ang kwento ng aking unang karanasan…

Dumaan kami sa isang bahay sakay ng aming kotse hinihintay ang alam mo na. Lumabas ang isang lalake at nakipagdiskusyon sa akin at mangilang saglit lang ay nasa sasakyan na yong aming pinagusapan.

Fast forward…

Ang sarap, napakainit pala ng pakiramdam. Dumarating yong puntong pinag-papawisan ka na at di makahinga pero sige tuloy parin. Ilang minuto ang lumipas, tuloy tuloy parin ang paglasap ng kakaibang karanasan. Ngunit di nagtagal, napagod ako at pinagpawisan at di narin nagtagal at pumutok na aking pinakatago-tagong init sa katawan.

Napakamemorable ng araw na yon para sa akin. Hindi ko talaga makakalimutan. Sa totoo nga tinago ko pa ang mga ginamit ko nong araw na yon. Andito parin ang tinidor pati narin yong plastic cup ng pinakamasarap na JJAMPONG.

Hell week, kaya pa ba?

Posted on March 12, 2008
Filed Under kwentong iskul bukol, kwentong tambay | 1 Comment

Malapit na ang mahal na araw at syempre malapit narin ang pinakahihintay ng karamihang mag-aaral at taong maraming pera, ang bakasyon at summer.

Oo nga’t malapit na ang inaasam ng lahat. Nandyan ang mainit na araw, white sand beach, family reunion, at walang sawang parteh! Pero bago yan, halos lahat naman ng mag-aaral ay dumadanas ng tinatawag nilang hell week. Finals, research paper, thesis, last parteh habang may pasok, pambully sa prof. Tambak sa magkabilang sulok ng bag mo ang sari saring libro at school papers. Walang kamatayang pagpupuyat at sabayan mo pa ng paghigop ng kape at paghithit ng yosi, minsan nahahaluan pa ng inuman sessions kapag group work.

Hindi ko nararamdaman ang ganyang pakiramdam ngayon, eh ikaw ba naman ang tumambay ng mahigit isang taon e. Ang nararamdaman ko ngayon ay isang malupit na pressure at para bang hell year ang dating. Wala ka ngang tinatapos na projects o school paper pero kabi-kabila naman ang application mo sa mga companies: nakakaburat na exam at nakakaliit ng betlog ang mga technical interviews.

At the end of the day, masarap ang pakiramdam ng maginhawa. Kapag natapos mo na ang mga kailangan tapusin pati. Ang feeling ng nakakafulfill at feeling mo pwede ka na maglasing buong summer tapos sabay talbog sa nag-aapoy na dagat.

For me, wala pa akong plano para sa summer at sa holy week. Mahirap kaya magplano kapag walang perang panggastos, unless may mabait na anghel ang manlilibre sa akin(ahem ahem). Pero syempre hindi maiiwasan ang usapang bakasyon at kung saan masarap magbakasyon. Pakiramdam ko puro drawing lang ang usapan, talkshit in short, sa tagalog tae!

Ikaw, suko ka na ba o kaya pa naman?

Share nyo pinakamalupit na hell week nyo.

Side B

Posted on March 10, 2008
Filed Under kwentong emo, kwentong tambay | 3 Comments

Mag 6PM na ako nagising kanina, galing kasi ako sa session kaya inumaga ako ng uwi. Nagising ako kasi nagring ang talepono ko, tumatawag si mama. Medyo hindi naging maganda yong naging pag-uusap namin. Nasungitan ko kasi si mama.

Sa totoo lang hanggang ngayon nakokonsensya parin ako dahil ganun yong nangyari. Minsan na nga lang tumawag, nasungitan ko pa. Siguro dahil talagang masakit pa ang ulo ko nung tumawag siya, at lalong sumakit ang ulo ko ng tanungin ako tungkol sa mga inaapplyan kong trabaho. Nararamdaman ko nanaman ang pressure, masarap paminsan minsan pero nakakafrustrate kapag ganitong katagal na.

Magdadalawang linggo na ako dito sa Pinas, somehow, homesick parin ako. Siguro dahil wala ako masyadong pinagkaka-abalahan maliban sa pagligo, pagtulog, paghanap ng pagkain, at pagbasa ng blogs. Kanya nga pinipilit kong maging abala ngayon. Natutulog na ako ng mas mahaba at hindi na ako naghahanap ng pagkain. Masaya kasi hindi ko naiisip yong pagkalungkot kasi naliliban ang isip ko na nagugutom ako. Hindi ko narin inaasam ang masarap na pagkain, kuntento na ako basta may makain.

Ilang linggo pa ang bibilangin bago muling bumalik dito sa Pinas sila ermat at erpat. Ayako naman magbilang ng araw kaya oras na lang binibilang ko. Minsan nga naisip ko na sana hindi na lang ako marunong magbilang para hindi ko mabilang yong araw. Minsan parang ayaw ko narin matulog para hindi ko na bibilangin kung ilang tulog na lang. Pero mahina ang katawan ko, Pinahihina ng kakulangan ko sa pagkain at sobra sa puyat. Pero wala naman akong magawa.

Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang entry kong eto. O siya, ako’y manunuod muna ng Korean Drama. Ang gwapo kasi ng mga artista hahahaha….

p.s. maglalaba na pala ako ng brief ko, wala na kasi akong magamit bukas. Side B muna gamitin ko. hahaha

8mcdo

Posted on March 4, 2008
Filed Under kwentong nakakaasar, kwentong tambay | 7 Comments

Ang hirap talaga ng buhay dito sa Pinas lalo na kapag malayo sa yo magulang mo. Mahirap rin lalo na kapag wala kayong helper sa bahay. Umalis na kasi yong tita ko na siyang helper namin, nagpunta siya ng Malaysia. Mula noon, kanya kanya na dito sa bahay. Kanya kanyang laba, linis, hugas, at kain. Animo’y di magkakakilala. Masaklap lalo na’t nasanay ako ng gigising na lang sa umaga o tanghali at handa ng pagkain, Malinis narin ang mga damit at itutupi na lang.

kagabi nanakit ang katawan ko, naglaba kasi ako ng mga damit ko. Siguro huling beses na naglaba ako ng ganun karami at nung high school ako, well hindi naman marami kasi puro pantalon lang nilalaba ko dati. Pero kagabi, kelangan i-hiwalay ang puti at de-kolor. Though may washing machine, mahirap parin kasi di automatic at walang hose kaya ang hirap magbuhat ng timba.

Isa naman sa ayaw kong nangyayari araw araw ang pagkain. Ewan ko, walang magaling magluto samin o baka mga tamad lang. Nasanay kasi ng may taga-luto, ayun bili nalang sa labas. Araw araw ganon, nakakasawa. Ngayon, dahil hindi ako binilhan ng utol ko ng pagkain at sarili niya lang binilhan nya, minabuti ko na lamang mag-oder ng Mcdo.

Dahil estilong makaluma na ang aming pamumuhay, walang TV at walang telepono, Sinubukan kong muli ang 8mcdo.com. Nagorder ako ng isang BigMac Meal Upsize at isang McFlurry Oreo, 165 na ang minimum kaya nagorder pa ako ng McFlurry. Send! Nasend ang request ko. Akala ko ayaw tumawag kasi celfon nilagay ko. After 15 minutes of waiting, tumawag. “Hello Sir, McDo po ito, Coconfirm ko lang order nyo” blah blah blah.

Sawakas makakain na ako. Yan ang silbi ng teknolohiya, para sa mga tamad at nagtatamadtamaran. Well, paminsan minsan maganda rin yan.

Teka, ang tagal ng order ko.

Update: Ang bilis ng order, i mean tama lang. Tinignan ko kasi yong received call, 3:10pm nandun, Tapos ngayon 3:42 kumakain na ako. Heheh

Subscribe

Subscribe feeds feedburner
feedblitz
Enter your Email


Powered by FeedBlitz

Experimental

Recent Comments

Blue Fish Network
Technorati's Philippine Top 100 Blogs
Text Link Ads