The reason why I want to go to Busuanga Palawan via Seair

Posted on May 30, 2008
Filed Under i Support!, misadventures, personal | 2 Comments

The reason why I want to go to Busuanga Palawan via SEAIR

My barkada and I have been planning to go out of town to celebrate because:
1. 3 of my friends passed the recent civil engineering board exam
2. one of our barkada graduated last April
3. the other one is graduating this term
4. And I say hello to work and goodbye to unemployment
5. We haven’t been there… I heard its nice there

It will be a fun experience if we all get the chance to go to palawan via seair. This would be a nice gift for our success and for our almost ten years of friendship. And we’d love to try SEAIR and visit Palawan. I hope we win plane tickets to Busuanga Palawan via SEAIR.

Halo halong eksena

Posted on May 1, 2008
Filed Under kwentong nakakatawa, kwentong nakakatuwa, misadventures | Leave a Comment

Ang lahat ng ito ay nangyari sa loob ng iisang araw lang. Kahapon to actually kaya medyo fresh na fresh pa. hehe

Wednesday morning, Woke up around 7am. Medyo nalate kasi ako ng tulog kaya late rin ang gising ko. EH 8am ang pasok ko, kaya yon sobrang nagmamadali ako. Buti na lang wala akong nakalimutang gawin. Medyo naunahan rin ako sa CR ng mga tao kasi nga flight ng dad ko so ihahatid nila siya.

mga 10 minutes before mag-8am e tumatakbo na ako at hinahabol ang mga dumadaan jeep. Ewan ko kung bakit wala masyadong jeep that time at medyo masikip ang daloy ng trapiko sa may bandang EDSA. Buti na lang nakasakay ako, pero hinabol ko yon jeep.

Nakita ko yong co-trainee ko sa jeep, mas malas pa pala siya kasi more than ten minutes na daw silang nakahinto at naghihintay ng pasahero. SO nauna na ang jeep na kung san ako nakasakay. Pababa na ako pero wala parin yong jeep na sinasakyan niya.

Bago ako dumirecho ng training, kelangan ko muna dumaan sa shell para bumili ng tubig at kendi. Mahal kasi tubig sa loob at walang kendi. Pakshet ang cashier. Ang bagal kumilos at parang walang mga naghihintay na magbabayad. Lumingon ako at nakita ko si co-trainee. Haha nagmamadali kasi late na, ako naman natataranta kasi sa katagalan ng cashier, ayon naunahan na ako ni cotrainee. Halos one minute lang ang pagitan ng log in time namin hehe. Para kasi akong nagwalkathon. Wala ng pakialamanan kapag late. hehe

Pagpasok ko sa room, sinabi sakin ni co-trainee2 na may exam. Scan lang ng notes at exam na agad. Surprisingly e mataas nakuha ko sa exam.

Around 10am binigay na ang aming machine problem for the day. Gagawa ng Online music database na may modules na add, list items, search, edit and delete. Simple lang pero hindi ko natapos. kulang pa ako ng edit and delete functions. Sa kalagitnaan ng pagcode ko, pinuntahan ako ng instructor namin. May kulang raw akong machine problem. Alam ko meron pero isa lang, pero nakalagay don dalawa. So sinabi ko meron ako non, which is true naman actually pati nga yong isa meron din kaso di ko napacheck.

Medyo tahimik ako that day kasi wala si cotrainee3 and cotrainee4, graduation kasi nila. fast forward sa uwian, hinintay ko si cotrainee1 para may kasabay akong umuwi. Ayon ang kaso, natuloy rin siyang sumama sa iba naming katraining from different company so mag-isa rin akong umuwi.

Pero ayos lang yon at mas marami pa akong naexperience.

Hindi ako binaba ng manong sa may babaan, in short ang layo ng binabaan ko.
Nakipagpatintero ako sa kamatayang naghihintay sa EDSA, pero syempre marami akong kasabay.
Yong taong grasa inambahan ako at sinabing “Sige subukan mong dikitan ako”.
Binunggo ako ng nagbibisekleta, pero di sadya nagmamadali kasi lahat ng tumatawid.
Parang nagmamadali lahat ng tao at parang lahat gustong gusto ng umuwi. Pakiramdam ko nga parang may kung ano mang eksena ang nangyayari.

Sawakas around 6:30pm e nasa bahay na ako. Nood konte tapos kain. Dumating na si pareng antok at syempre sinamahan ko na siya sa pagtulog. For the first time since nagtraining ako. ngayon ko lang naranasan muli ang makatulog ng sakto sa oras. Tama lang naman halos 10 hours din yon, kaso nahilo yata ako sa sobrang tulog.

Syempre walang pasok ngayon kaya nakakapagblog ako. Wala rin si papa kasi nasa saudi na siya sa mga panahon ngayon. Wala rin ang utol kong lalake kasi may training sa call center. Yong panganay kong ate may pasok rin. Yong nanay ko kasama ni ate at ng aming pamangkin ay nasa san miguel by the bay.

Naisip ko lang, grabe na ba talaga ang hirap sa Pilipinas na pati ang May one o labor day e pinapatulan na ng mga nagtatrabaho. Na kung sana ay nasa bahay sila at nag-eenjoy kasama ng kanikaniyang mga pamilya at mag-anak. pero wala tayong magagawa, ganun talaga, mageenjoy ka ba kung walang pera?hehe

Bibo kids

Posted on April 20, 2008
Filed Under kwentong nakakatuwa, misadventures | 2 Comments

Noong bata pa ako, bata parin naman ako ngayon, takot na takot ako ng magbiyahe mag-isa. Kahit na isang traysikel lang mula school hangang bahay e hindi ko talaga kaya, kaya kailangan ko pang maghintay ng kasabay. Hindi ko alam kung bakit pero nong bata ako eh ang daming kumakalat na mga balibalita na nangunguha ng bata etc so natatak na sa isipan ko yon kaya siguro nagkaganon ako.

First year college narin ako nakasakay ng jeep mag-isa. Di naman kasi ako naghigh school dito kaya di ko naranasan ang mga ganun. Medyo takot pa nga ako na baka maligaw ako o kung ano man ang mangyari.

Kanina pauwi na kami galing ng Cavite, actually isang traysikel na lang hanggang bahay, may dalawang batang nasa 6 ang edad ang sumakay sa traysikel. Medyo kastreet ko sila, kaya nakasabay kami dun. Todo sa interview ang manong tsuper.

tsuper: san kayo galing?
dalawang bata: nagbiyahe.
t: san nga?
db: sa electric po.
t: sino kasama nyo?
db: kami lang po.
ako: san po yong electric? hehehe
t: sa baclaran

Nakauwi naman sila ng bahay nila, natutuwa lang ako dahil from baclaran e dalawang sakay pa papasok samin. Ang swerte naman ng mga magulang nong batang yong, dahil kapag nawala anak nila e malakas ang loob at alam nila gagawin nila. Pero sa pag-iisip ko, hindi nga kaya naiwan ang dalawang batang yon? O baka may nagtrip lang samin? haha. Kung ano man yon, ayos sila! haha

…kih kih …ngihsaL

Posted on December 23, 2006
Filed Under Daily Rants, misadventures | 2 Comments

Am I? or Am i not? Deal or no Deal

Kagabi medyo lashing nanaman si pareng jong. Nagkameron kasi ng inuman dito syempre sagot ni pareng jong ang kalahati. Tamang trip lang: hit hit, tugtog, shot shot… Naka-isang case rin kami ng grande Red horse. Lima lang kami, yong isa parang bading na nagpapass kasi madaling nahihilo.

Matapos magpagalingan sa gitara, pero isa lang talaga ang magaling, eh naisipan kong magbike. Tama! Ayus pantanggal amats. Kaya lang ingat lang baka maslide tulad ng nangyari sakin. Napagkasunduan naming magpinsan na magsimba after mag-inom. 4:30am ang simba, mga alas 3 na kami natapos uminom. Wala ng tulog tulog, ligo ligo, toothbrush. Pero hindi yan totoo, hindi lang kami natulog. Ang sarap ng feeling, ng nakatayo sa may simbahan tapos parang gumegewang at tutumbo ka na at gusto mo ng palitan ang pari sa pagsesermon.

Napansin ko na maraming kabataan ang nagsisimba tuwing simbang gabi. Napansin ko rin na maraming lasing. Napansin ko rin na nagiging date ang pagsisimba. Napansin ko rin na ang jologs ko kagabi. Napansin ko rin na yong babaeng nasa likod ko eh tingin ng tingin sa akin, at nakangiti siya nung nag peace be with you. Gusto ko sanang sabihin fuck you. Kaya lang respeto man!
Read more

Kwentong Tambay at Gagong Gupit

Posted on December 7, 2006
Filed Under Daily Rants, i Support!, misadventures | 4 Comments

Kwentong Tambay at Gagong Gupit

Nga pala, nong Tuesday nagliwaliw ako sa isang mall dyan sa makati. Kung ano ano lang ang pinag-gagawa ng isa gagong tambay.

Hinanap ko agad ang LBC para makapagbayad ng bill, after ilang minutes tapos agad kaya direcho ako ng National Bookstore(NBS). Naalala ko kasi ang libro ni Manong Batjay na pinamagatang Kwentong Tambay. Ayus! Konti na lang natitira kaya sige bili na, murang mura lang naman katumbas lang ng iyong peborit Magazine na FHM. Ang kinaibahan lang, mas nakaka-arouse itong libro ni batjay. haha

Bumili ka na nga, mapagkakamalan ka pang magnanakaw. Hindi naman. Napaka-stupid ng censor ng NBS. Tumunog na parang gago pagkalabas ko, ako naman balik agad alangan naman tumakbo ako edi deds agad. Chineck ni manong ang plastic pero alang tunog. Chineck rin ang bag ko, wala rin. Chineck pati wallet ko anak ng tinapa parang magkakasiya gamit dun a. Ayun wala ring natunog. Si Manong guard pala ang may sala. Ewan ko, Baka yong ballpen niya nakaw sa NBS, o kaya yong censor mismo. Bubu talaga.

Ikalawang hinto ko sa may Bench Fix. Kailangan ng magpagupit ng mga buhok sa katawan para magbago ang aura at baka may swerteng dumating. Pinaghahandaan din ang nalalapit na mga importanteng araw na kailangan gagong gupit ka. Hayan. Ang tagal kong naghintay, kung ano ano ginagawa nung nag-gupit sakin. Inisip ko na lang na may iba pa siyang sideline doon sa parlor. Kung ano man yon, ikaw na ang bahalang mag-isip. Clue: BJ as in Buko Juice. Ewan natin. Binasa ko na lang ang libro, na-arouse ako pagkita ko palang ng unang pahina. Ewan ko ba.

Ay siya, Nais ko lang kayong iinform na nakabili na ako ng libro ni Batjay. Dagdag nanaman sa mga babasahing libro. Ishashare ko agad ito sa mga kaibigan ko at sabay sabay kaming ma-aarouse haha.

Word of the day: Arouse.

Subscribe

Subscribe feeds feedburner
feedblitz
Enter your Email


Powered by FeedBlitz

Experimental

Recent Comments

Blue Fish Network
Technorati's Philippine Top 100 Blogs
Text Link Ads