Hi! Ako nga pala si Jesus N. Abad. Mas kilala ako sa pangalang jong pero hindi ko ipapaliwanag kung bakit jong ang tawag sakin eh malayo naman ito sa aking tunay na pangalan.
Si Jong ay ipinanganak sa bahay ng kanyang tiyo sa may Paranaque. At kapag sinabi kong sa bahay eh sa bahay talaga kaya wala ng kokontra! Makalipas ang ilang taon, lumipat sila Zambales at pagkalipas uli ng ilang taon ay lumipat naman sa may pasay sa Villamor.
Bumalik ang kanilang pamilya sa zambales noong 1992 at namalagi doon (hindi ko sigurado kung 1992, hehe). Doon narin siya nag simulang mag-aral at napatunayan ang galing ng maging third noong siya ay nasa kinder. Lumipat siya sa St. Augustine School noong nasa ikaunang baytang at doon narin nagtapos ng ika-anim na baytang. Naging relihiyoso ang taong ‘to at naging isang sakristan. Hindi na niya nagawang maging matalino dahil puro laro at tamad mag-aral.
Lumipat sila sa kaharian ng Saudi Arabia noong 1999 at doon narin nag-aral sa International Philippine School in Alkhobar. Dito naging kakaibang tao si jong at sabi nga nila ay nag-evolve pa. Usong uso pa noon ang mga larong pokemon, pokemon cards, at yong tamiya. Dito rin nakilala ni jong ang iba’t ibang klase ng tao. Nakilala rin niya dit o ang mga kabarkada na hanggang ngayon ay hindi parin nagbabago. Malaki rin ang naging impluwensya sa kanya ng kanyang barkada kaya ngayon ay nagsisisi na kung bakit napasali pa dito. hehe. At dito rin nakilala ni jong ang kanyang tunay na pag… ay teka sobra na ‘to.
Sinubukang kumuha ng UPCAT sa may Riyadh noong oktubre, 2002. Sa kasawiang palad ay hindi siya nakapasa. Pagtapos magtapos sa High School ay bumalik siya sa Pilipinas upang mag-aral muli. Kumuha ng exam sa Mapua at napiling kunin ang ECE dahil narin sa kagustuhan ng kanyang ama. Dahil nga yong batch namin ang huling batch na nag-exam ay hindi ako nakaabot sa ECE at COE. Pinili ko na lang tahakin ang mundo ng showbiz. Ay mundo pala ng IT at kumuha ng kursong Computer Science sa Mapua.
Naging mahirap sa kanya ang unang taon ng kolehiyo dahil sa nahirapan siya eh. Dito nakahanap uli ng iba’t ibang uri ng tao at simula ng makilala sila ay halos araw-araw ng kasama. Ngunit hindi parin natutumbasan nito ang naging impluwensiya ng mga tao na naging parte ng buhay niya sa saudi arabia.
Kasalukuyang nag-aaral ngayon si Jong sa Mapua at sa katanuyan ay nasa huling term na ng kanyang pag-aaral (in sha’allah, god willing). Siya ay nakapasok sa Petron upang gawin ang kanyang OJT at mamalagi doon ng 240 oras, direcho walang uwian. hehe.
Kapag nakapagtapos ay ninanais niyang mag-aral muli at bumalik sa saudi dahil maganda magtrabaho dun lalo na kapag nakapasok sa magandang kompanya. Nais niya rin bumalik doon dahil matagal na siyang hindi nakakakain ng shawarma(original ha) at ng kabsa pati narin ang broasted chicken(saudi ha).
Maraming plano sa buhay at onti-onti naman itong natutupad sa tulong ng kanyang magulang at mga mahal sa buhay.
Pilit parin niyang hinahanap ang tunay na pagmamahal ng isang sirena.
Wala na akong maisip. Bored ka na no? Mission accomplished.
Profile ala Friendster
Jong
Male, 19, Single
Interested in Meeting People for: Friends
Zodiac Sign: Capricorn
Location: Philippines
Hometown: born in Parañaque, tapos lumaki sa zambales
Blogging Since: June 2005
Schools (Other):
SAS, IPSA, Mapua
Affiliations:
youth on fire
Hobbies and Interests:
kumain, matulog, gumimik, magbasa ng blog, magblog, magdesign, maginternet, magbasa, kumanta ng mga lumang kanta sa may providence
Favorite Books:
libro ni JK Rowling, Dan Brown, Bob Ong, at kung ano ano pang pwedeng babasahin
Favorite Movies:
Notting Hill, Sharktale, Passion of the Christ, American pie, Harry potter, Spiderman at marami pang iba….
Favorite Music:
OPM: hale, spongecola, rivermaya, parokya ni edgar, at marami pang iba… acoustics, RnB, rock, , kahit ano basta maganda pakinggan
Favorite TV Shows:
survivor, smallville, fear factor, MYX, MTV